8 HIGH PROFILE INMATE, INILIPAT SA CAMP AGUINALDO

Tetestigo raw laban kay Senator Leila De Lima ang nasa sampo hanggang labing dalawang drug lords kaugnay sa paglaganap ng illegal drugs sa new bilibid prison. Ilan sakanila kabilang ng ang tinaguriang bilibid 19. Ikukwento raw ng mga drug lord na inutusan sila ng isa pang drug lord na magbenta ng droga para diumano makalikom ng pera para sa kampanya ni De Lima noong eleksyon.

Photo from GMA News Online


Samantala nagkakainitan daw ang ilang high profile inmates sa bilibid kaya inilipat muna sila sa camp Aguinaldo.

Ayon kay Sec. Vitaliano Aguirre, “Sila ay inatasan ni Jaybee Sebastian na magsimulang malikom, magbenta ng droga at yung napagbentahang yan, diyan kinukuha yung kontribusyon para daw sa political campaign fund ni Sec. De Lima..”


Panayam naman ni De Lima,”hindi ko po alam kung ano nanaman ang balak nila, whatever would come out, linking me to drugs can only be fabricated, lahat naman yan walang katotohanan, saan nanaman nanggagalig yan? Sino sinong nakukuha nilang mga witnesses nay an? Eh kung meron mang witnesses, puro sinungaling yan.”

Source: GMA news

No comments

Powered by Blogger.