Alden Richards receiving death threats

Nitong nakaraang lingo ay nag-post ang ama ng Pambansang Bae at Kapuso host-actor na si Alden Richard dahil may natatanggap di umano silang death threat.

Photo from gmanetwork.com


“Bash niyo na ko kakayanin ko pa po yan.. wag lang threat sa buhay naming..” post ng kanyang ama sa social media.

Ayon naman kay Alden hindi na raw bago na may nagbabanta sa buhay niya o sa pamilya niya.

“Since the beginning, before the last issue, I have had issues of life-threatening situations. I asked the help of GMA Artist Center and NBI to do something about it. We have been taking action with regards to that,” aniya.

Sa loob ng limang taon sa showbiz ay nagpapasalamat parin ang actor na walang nangyayaring masama sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Ganon pa man, ipagdadasal parin ni Alden ang mga nagbabanta sa buhay niya at sa mga mahal niya sa buhay.

“ang akin lang, if you’re threatening someone, there’s a probability na hindi mo gagawin. Yung mga may balak tlga, hindi naman nagsasabi yan, ginagawa na lang nila.” Pahayag ng actor.

“There are a lot of people like that, especially on social media. Napakadaling gumawa ng statements and threats. But so far, we have been very careful and we’re taking extra caution. Sa tingin ko, yung mga nagte-threat are just people na walang magawa,” dagdag ni Alden.

Patuloy parin ang pagbida ng actor sa variety shows na “EAT BULAGA” at “SUNDAY PINASAYA”. Mapapanuod din si Alden sa kapuso fantasy series na “ENCANTADIA”.


Aniya,” I’m very excited. After Imagine You & me, we will have a project together with Maine Mendoza. Marami na naming ilu-look forward yung mga sumusuporta sa amin. We will not let them down.” 

Source: GMA news

No comments

Powered by Blogger.