BABY MARIA LETIZIA MAAARING SUMUNOD SA YAPAK NG MAGULANG

Maaaring sumunod sa yapak ang cute na anak ng primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Baby Maria Letizia

Photo credit: www.teamdantes.com


Sa mga video na binabahagi ng mag asawa, hindi lang pagiging cute ang makikita kay baby Zia kundi ang pagiging bibo ng bata.

“kung makikita nyo sa mga post ko, mahilig siyang tumawa. At tsaka bibo. Kapag sinabi mong dance, dance, dance, sasayaw tlga siya” pahayag ni Marian.

Marami na nga ang nag-aabang sa pagpasok ni baby Zia sa showbiz, lalo na at kamakailan lamang ay bumisa na rin siya sa isng commercial kasama ang kanyan ina.

Sagot ng kapuso star kung papaya ba siya na pasukin ni baby zia ang pagaartista. “magtapos muna siya sa pagaaral. Kailangan makatapos muna siya bago niya gawin ang gusto niya. Iba kapag may pinag-aralan at iba iba kapag may natapos ka.”


Aminado din ang magasawa na pinaghahandaan na din nila ang mas madami an anak. “basta two years ang gap, okay na ako. Gusto kung magpabreastfeed hanggang isang taon si Zia.” Aniya.

source:gmanetwork.com

No comments

Powered by Blogger.