ilang senadora, tutol sa pagpapalabas ng “De Lima sex video”

Sa isang public committee hearing, tinutulan ng mga babaeng senadora ang mungkahing pagbabalabas sa umano’y sex video ni Senator Leila de Lima.

Photo from gmanetwork.com

Ayon sa party-mate ni Leila de Lima na si Senator Risa Honteveros na ang pagpapalabas ng video ay “clearly a case of misogyny” at “contemptible”.

Pahayag ng Senadora, “It is terrible. I don’t see how the showing of fake sex videos will promote the interest of truth justice,”

Ayon naman kay Alvarez, dapat ipalabas ang video kung makakatulong ito na mapatunayang may personal na relasyon si De Lima sa mga taong maaaring kasabwat sa bentahan ng droga sa NBP.

Ayon naman kay Senadora Grace Poe, ang paglabas ng video ay maaaring paglabas sa Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act.

“It will serve no legal and practical purpose as the law makes such unlawful act of showing inadmissible in evidence in any judicial, quasijudicial, legislative or administrative hearing or investigation,” giit ni Poe.

Iginiit ni Leila de Lima ang paratang, na walang ganoong video, at itinangging wala silang relasyon ni Dayan.

Ayon naman kaw Nancy Binay, hindi dapat makealam ang konggreso sa personal na buhay ni De Lima. Sinabi rin nitong “below the belt” umano ang akusasyon.

“Yung iba naman below the belt. Kung tutuusin, ano ba pakialam natin sa love life niya?” ayon kay Binay.

Giit naman ng Senate President Aquillino Pimentel III “As Senate President, a reminder to all fellow legislators and lawmakers to be responsible for our actions, be sensitive to the sensibilities, feelings and the effect of our actions on the reputation of our fellow legislator,”


“But if they should do some reckless action, be ready to pay the political price,” Dagdag ni Pimentel.

Source: GMA news

No comments

Powered by Blogger.