KASO VS AQUINO

Sinampahan ng reklamong smuggling at graft and corruption si dating Pangulong Noynoy Aquino. Dawit din umano ang kanya dating finance secretary na si Cesar Purisima at ilang opisyal ng Pilipinas Shell, kaugnay sa mga inangkat nitong produktong petrolyo sa pagitan ng taong 2004 at 2009.

Photo credit: getrealphilippines.com


Dahil sa hindi raw paniningil ng karampatang buwis na aabot sa one hundred bilyon mula sa kumpanyang Pilipinas shell petrolyo. Nahaharap ngayon si dating Pangulong Nonoy Aquino at dating finance secretary Cesar Purisima sa kasong smuggling at graft and corruption.

Kasama sa inirereklamo ang mga pinuno ng shell. Ang nag sampa ng reklamo ay sina dating custom commissioner Napoleon Morales, dating custom collector na si Juan Tan at si Lourdes Aclan.

Base sa reklamo, hindi umano siningil ng gobyerno ng tamang buwis ang kumpanya matapos itong mag-angkat ng mga produktong petrolyo sa pagitan ng taong 2004 at 2009.

Dahil dito aabot daw sa one hunded bilyon pesos ang ikinalugi ng gobyerno sa mga hindi nabayarang buwis ng shell pati na ang mga interest at penalty. Inindorso raw sa custom ang resulta ng kanilang imbestigasyon kay Purisima pero hindi raw ito naaaksyonan. Nireklamo narin ang kawalan ng aksyon ni Purisima kay dating Pangulong Nonoy Aquino. 

Source: GMA news

No comments

Powered by Blogger.