Digong, magkakaroon ng morning TV program para sa sumbong ng bayan

Ayon kay President Duterte, magkakaroon siya ng pang-umagang programa sa telebisyon.

Photo from abscbnpr.com


Layunin nito na tulungan ang mga mamamayan, magiging sumbungan ito ng bayan laban sa mga palpak na serbisyo ng gobyerno.

“Now there is a Malacanang TV, PTV4, so may programa ako dyan, I’ll give about, every morning, one hour,” Ayon sa Pangulo.

“Lahat ng Filipino na nakatikim ng, wherther it’s in the permit sa office of the mayor, or an electrical clearance or way of right already paid but unimplemented, i-text mo na lang. Your name, the government official, do not add your name,” dagdag ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, hindi dapat pahirapan at paghintayin nang matagl ang publiko sa pagkuha ng mga nilalalakd na dokumento sa mga sangay ng gobyerno.

“Sabihin na ninyo, may corruption dyan sa city hall, yung business. Kasi ang business permit, sa panahon ko, three days, sa kanila ngayon, one month.

“Nagbigay ka wala na talaga akong magawa. But if it just any sense at all, tulungan ninyo ako. Now I said, for each department, they are only given one month, lahat sila,” sabi ng Pangulo.

“If you are made to go back and forth, magtext lang kayo. No more names. Magtext lang kayo, ako na ang bahala. Pag di niyo ako tulungan wala talalga akong magawa para sa inyo. If you do not help me ferret out the bad guys. Eh di wag kayong mag-complain ng corruption.” Dagdag ng Pangulo.

“Ang sabi ko sa mga taga gobyerno eh, and I will see to it, you are dismissed. I do not give a shit if you are a director, or a general,” aniya.


No comments

Powered by Blogger.