Drayber na ginulpi ng mga pulis sa US embassy, hindi kasama sa mga nag-rally

Ang jeepney driver ay kinilalang si Raymark Sumalbag, 23 anyos, ayon sa interview sakanya, galit na galit ang jeepney driver matapos siyang gulpihin ng mga pulis.


Photo from gmanetwork.com


Si Raymark Sumalbag ay nagpalipas ng gabi sa ospital dahil sa mga natamo nitong mga sugat dahil sa mga pulis. Makikita sa video na nawalan ito ng malay at bumulagta sa kalye matapos pagtulungan ng mga pulis.


Makikita sa video na minamaneho ni Raymark ang isa sa mga jeep ng ilang nagprotesta na hinahataw ng pamalo ng mga pulis.

Ayon sa diver na binugbog, halos hindi parin siya makakilos at masakit parin ang kanyang ulo dahil sa mga natamong mga palo galing sa mga pulis.

Maliban sa sakit ng katawan ay masakit din daw ang loob ng driver dahil sa matinding sinapit niya sa mga pulis.

“Nagagalit talaga ako ma’am, parang wala lang kami sa kanila, para kaming mga hayop,”

“Hindi naman dapat ganoon yung ginawa, para kaming mga hayop,”

Ayon sa Driver, pinag-iisipan daw nito kung magsasampa ito ng reklamo laban sa mga pulis.






No comments

Powered by Blogger.