Tanong ng netizen kay De Lima

Aminin natin na napa-saklap ng mga nangyayari ngayon kay Senator Leila de Lima. Kahit sinong tao, kahit gaano kapa kasama ay parang hindi kakayanin pag nagkaroon ng problema katulad ng kay De Lima.

Photo from wazzuppilipinas.com


Isipin mo, hindi mo na nagagawa yung dating mala-paraiso mong buhay, yung sobrang dami mong pera, nagagawa mo kahit anong gusto mo.

Tapos ngayon, hindi mo alam kung paano mo tatapusin ang sinimulan mong problema.

Saksi ang taong bayan sa mga nangyayari saiyo. Lahat ng sangkot sa iligal na droga sa bilibid ay ikaw ang itinuturo.

Ngunit lahat ng akusasyon saiyo ay madiin mong itinatanggi.

Nasaksihan ng taong bayan ang pagluhod mo sa harap ng simbahan, nagdarasal habang umiiyak. Hindi namin alam kung anong ipinagdarasal mo.

Ang tanong, “NASAAN ANG PAMILYA MO” na sana ipinagtatanggol ka ngayon?

Wala akong intensiyon na guluhin ang nananahimik mong mga mahal sa buhay.

Kaya ko ginawa itong maiksing mensahe na ito dahil gusto kong malinawan kung bakit wala ni isa sa mga mahal mo sa buhay ang nagtatanggol saiyo.

Aminin natin o hindi, ang pamilya ang mas may nakakaalam sa mga nangyayari sayo kung anong totoo o hindi.

So kung alam nila na mali at hindi tama ang mga paratang sayo, edi sana lumalabas sila upang ipagtanggol ka at sana nandiyan sila para suportahan yung ipinaglalaban mong sa tingin mo ay tama.

Ganun naman ang pamilya diba? Kung sang-ayon sila sa ipinaglalaban mo, sana nandiyan sila at ipinaglalaban ka laban sa mga bintang sayo.

Yun lang po, wala akong masamang intensiyon dito. Gusto ko lang po malinawan bakit wala ni isa sa mahal niya sa buhay ang nagtatanggol sa kanya ngayong pasan niya ang mundo.




No comments

Powered by Blogger.