Mark Anthony Fernandez: Ibinasura ang 1 sa 2 kaso

Ayon sa ulat ng GMA News, ibinasura ng korte nitong huwebes ang isa sa mga kasong ng actor kaugnay sa pagkakahuli niya sa marijuana.

Photo from gmanetwork.com


Ibinasura umano ng korte ang kasong possession of drug paraphernalia labas kay Mark Anthony Fernandez dahil wala daw sa "inventory" ng pulis ang "grinder" na sinasabing nasa sasakyan ng actor.

Hindi rin natuloy ang pagbasa ng sakdal kay Mark Anthony, para naman sa kasong simple resistance and disobedience dahil sa pagharurot ng actor sa police checkpoint.

Dahil humingi ng reinvestigation ang kampo ni Mark Anthony, ipanagpaliban muna ang pagdinig sa kaso ng actor. Kasabay din na ipinagpaliban ang arraignment kay Mark ang mas mabigat na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil sa nakuha umanong isang kilo ng marijuana sa kotse ng actor.

Ayon kay Mark Anthony, may naglagay lang ng marijuana sakanyang kotse at mariin naman itong itinanggi ng mga pulis na nakahuli sakanya.


Ililipat umano si Mark Anthony sa ibang detensyon sa San Fernando Pampanga, Mula sa Angeles City Jail, dahil umano puno na ang bilanggo.

Source: gma news

No comments

Powered by Blogger.