Pangulong Duterte, “chief diplomat” rin ng Pilipinas

Si Pangulong Duterte ay tumakbo bilang Presidente at hindi naman daw tumakbo bilang diplomat ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.


Photo credit: InterAksyon


Ngunit ayon sa batas, si Duterte rin ang chief diplomat ng Pilipinas.

“As the chief architect of foreign policy, the President acts as the country’s mouthpiece with respect to international affairs. Hence, the President in vested with the authority to deal with foreign states and governments, extend or withhold recognition, maintain diplomatic relations, enter into treaties, and otherwise transacts the business of foreign relations.”

Ayon kay Dindo Manhit, pangulo ng Albert del Rosario Institute for Strategic and International Studies, ang pangulo daw ay hindi lang umano pinuno ng gobyerno, kundi isa rin siyang pangulo ng estado. Hindi lang mga isyung local ang hawak ng pangulo kundi pati estado.

Ayon kay Manhit, ang mahigit 1.8 milyong OFW ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa,dahil sa mga padala at nakasalalay sa pangulo ang pang araw-araw ng buhay ng mga ito.

“You have realize that you cannot look at your world domestically only, because how people see us internationally might affect the day-to-day lives of our OFW’s, might affect the investments, the jobs, of our people,” sabi ni Manhit.

Ngunit ang Pangulo ay hindi nagpapaawat at sinabi nitong,”Do not keep on complaining about my mouth, because my mouth is not the problem. It cannot bring down a country.”





No comments

Powered by Blogger.