Pangulong Duterte, Mag-uuwi ng $24B mula sa China

Bunga ng pagbisita ng pangulong Duterte sa China, Maaaring mag-uuwi ito ng kabuuang $24 billion mula sa investment at pautang.


Photo from YouTube



“Iyong bagong number na nabubuo ngayon, in terms of investments and credit facilities opened, $24 billion – 15 billion para sa investment at $9 billion will be in the form of credit facilities,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

“Ang private-to-private, iyon ang $15 billion. And about $4 billion are MOUs [memoranda of understanding] to be signed later today,” dagdag ni Lopez.




Mababahagian ng ponding ito ay ang ilang mga sector tulad ng agrikultura, enerhiya, turismo, food at manufacturing, telecommunications at imprastraktura.

Ayon sa pag-susuri magkakaroon ng halos dalawang milyong trabaho para sa mga Pilipino.

“Estimate lang, roughly two million, Roughly over two million over five years,” pahayag ni Lopez.

Ang bank of China naman ay inaasahang magbibigay ng $3 billion sa pautang para sa pagnenegosyo, kabilang dito ang micro, small, medium enterprises.







No comments

Powered by Blogger.