Rez Cortez at ibang artista: wag pangalanan ang mga artistang drug user

Ayon sa mga Artistang Pilipino, Nais nilang ibigay muna sakanila ni Pangulong Duterte ang listahan ng mga artistang gumagamit ng illegal drugs.

Photo from abs-cbn.com


Sa Panayam ng actor na si Rez Cortez na suportado nila ang programa ng pamahalaan pagdating sa pagsugpo ng illegal drugs sa bansa, pero aniya hindi makakatulong at hind magiging epektibo kung ilalabas ang pangalan ng mga artistang gumagamit ng bawal na gamot.

Ayon sa kanyang panayam lalo lang daw malulong sa bawal na gamot ang artista kapag nadungisan at napahiya ito sa mga taga hanga at nawalan ng trabaho.

Gusto ng Katipunan ng mga Artista na sila nalang ang tutulong sa mga ito upang makapag-bagong buhay.

“Ito ay mga drug user. So ano ang dapat nating gawin? Tulungan natin yung mga drug user,” ani Cortez.

“Papaano natin sila matutulungan? Pwedeng ipa-rehab, pwedeng magpadetox, kasama yung iba na rin yung livelihood. Kasi minsan yung iba nagrugs dahil walang trabaho, walang magawa, so nagiging escapist yung kanilang outlet.”

Kamakailan ay binanggit ni Chairman Martin Dio na may 50 artista sa ikatlong narco-list ng Presidente.


Tiniyak ni PNP chief Dela Rosa na handa ang pulisya na isailalim sa Oplan Tokhang ang mapapasama sa listahan.

Source: abs-cbn news

No comments

Powered by Blogger.