Tatlong Indonesian pinalaya ng Abu Sayyaf

Tatlo pang Indonesian ang pinalaya ng Abu Sayyaf sa probinsiya ng Jolo, Sulu. 

Photo from gmanetwork.com


Kinilala ng militar ang mga dayuhan na sina Ferry Arifin, Dan Edi Suryono, at Mohhamad Mahbrur. 

Dinala na sila sa Camp Baustista Hospitals para mapa-medical check-up ang mga pinalayang dayuhan.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process  Jesus Dureza, sa Moro National Liberation Front muna isinuko ang mga ito bago ibinigay kay Governor Totoh Tan bago dinala ang mga ito sa kampo ng militar. 

Sunod daw na ililipad ang mga ito pabalik sa Indonesia, at kabilang ang tatlo sa mga tripulante ng Indonesian ship crew na dinukot noong Hunyo. 

Mula ng paigtingin ng military ang opensiba laban sa Abu Sayyaf ay labing anim na bihag na ang napapalaya. 9 na Indonesian, 1 Norwegian, at 6 na Pilipino. 

Nilinaw naman ni Presidential Communication  Office Secretary Andanar na ipinatutupad p rin ng gobyerno anf no ransom policy.

"Now, kung meron mang nagbigay na third party, kung iyong pamilya nagbigay, hindi namin alam iyon. bsta the government maintains a no ransom policy pagdating sa mga kidnappings." diin ni Andanar.


Source: GMA news

No comments

Powered by Blogger.