An open letter of netizen why Marcos' burial was made secret to the public






Read the open letter below:

November 8, 2016. Ibat-ibang opinyon ng mga Pilipino ang nangyari sa palihim na pagpapalibing sa dating Pangulo ng bansa na si Ferdinand Marcos. Madaming nagkumento na bakit raw hindi ipinaalam sa sambayanang Pilipino ang pagpapalibing kay Marcos.

Eto lang ang masasabi ko, common sense nalang po, kaya hindi nila ipinaalam sa publiko kasi alam nila na madaming magpoprotesta at baka lalo lang lumaki ang gulo at maaaring madaming masaktan.

Malinaw na sa ginawang hakbang ng pamilya Marcos ay inuna parin nilang isipin ang kapakanan ng karamihan, umiwas lang sila sa mas malaking problema na pwedeng mangyari.

Kung mamapansin niyo, palihim na nga ang ginawang pagpapalibing pero sobrang dami parin pasaway na nagprotesta, what more nalang kung maagang ipinaalam ang pagpapalibing.

Bakit ba kasi sobrang dami parin apektado sa Martial Law eh sobrang tagal na nun. Matagal na pong patay  si Marcos, pero hanggang ngayon pinagkakaguluhan padin ang bangkay niya. Bakit hindi tayo magfocus sa kasalukuyan? Kung paano natin mababago ang bansa upang umunlad.

Yung ibang nagpoprotesta, ang babata pa, akala mo naman sobrang ramdam na ramdam nila yung nangyari noong Martial Law. Yung iba nakikisama lang yata eh baka hindi pa alam kung ano ang buong istorya ng Martial Law.

Sa lahat ng protesters, kung talagang mabubuti kayong tao, matuto kayong magpatawad, tao lang ho tayo eh. Ang diyos nga nagpapatawad diba? Sana ipakita natin ang totoong kabaitan ng mga Pilipino. 

1 comment:

  1. Yung mga kabataan n umeeksena, papansin lng. Galing n ako jan. Alam ko n amoy nyo, makansa.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.