Atty. Rivera: To my fellow Martial Law victims


Photo from Philstar/PinoyTrendingNews


DEAR FELLOW MARTIAL LAW VICTIMS

Una sa lahat, hwag po kayong umasta na parang kayo lang ang biktima lalong-lalo na kung pinanganak kaya after 1987 kasi marami sa amin nabuhay nuong Martial Law sa Visayas at Mindanao nung batas militar at hindi naman ganun ang pag-eemote namin.

Pinanganak ako nuong September 30, 1972 sa Cebu ilaw araw matapos ideklara ni Marcos ang martial law. Naglakad ang nanay ko ng dalawang kilometro ng madaling araw kasi curfew kahit sumasakit na ang tiyan niya. Ang resulta, kailangan niyang i-Caesarean.

Lumaki ako sa Magsaysay, Davao del Sur kung saan nakikita namin sa sapa ang mga bangkay na nakalutang dahil sinalvage ng PC-INP dahil isang mabangis na infantry ang naassign sa Davao nung panahong un. Ilang beses nawawalan ng baboy ang lolo ko dahil binabaril muna nila bago hingin sa kanya.

May alaga akong kambing na Meeh ang pangalan na binaril nila at ginawang kaldereta. Sa trauma ko, hindi ako kumakain ng kambing ever. Sa batang lima ang edad, malaking dagok yun.

Muntik na makulong ang lola ko na si Mama Soping dahil volunteer siya ang kauna-unahang NAMFREL sa 1986 snap elections kasi sinabihan niya ang tumatakbong assemblyman ng KBL na hindi pwedeng pumasok sa polling site. Kung hindi lang ako umiyak, nakulong siya.

Marami akong kamag-anak na hindi pa din nakikita until today. Swerte ko lang na hindi kami namatayan sa immediate family.

Totoo ang Martial Law sa akin. I have lived it.

Pero bakit ako payag na ilibing si Macoy (tawag kay FM nuon) sa LNMB?

Kasi pagod na akong maging biktima. Nakita ko na walang nagbago matapos nating patalsikin ang pamilya Marcos. Nakita ko na walang nagawa ang dalawang Aquino na naging Presidente na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ninoy at ibalik ang sinasabi nilang nakaw na yaman. Ni hindi nga nila binago ang batas para siguruhin na hindi talaga mailibing si Macoy duon.

Higit sa lahat, nakita ko na mahal si Apo ng mga Ilocano. Siguro dahil iba ang batas militar sa norte sa naranasan namin sa Cebu at Davao. Nakita ko din na wala din namang ginawa ang mga Aquino/Cojuangco nung dahan-dahang nakabalik sa poder ang mga Marcos.

Kaya nilibing ko na ang poot ko. Para sana sa ikatatahimik ng bayan. Maraming biktima ang nasaktan. Pero habang andyan ang bangkay ni Macoy, hati ang mga Pilipino. Nasa poder na sila ulit. Hinayaan nating lahat. Tutulan niyo man ang paglibing, may batas na nagsasabing pwede.


Por que pang tutulan? Para ungkatin ang sakit ulit.

Move on na tayo. Kasi mas nasasaktan akong nakikita ang simbolo ng batas militar na hindi pa nililibing. Baguhin na lang siguro natin ang pangalan ng libingan tulad ng pagbago natin sa MIA to NAIA.





2 comments:

  1. tama po kayu jan atty. saludo ako sayu, hinde tulad ng simbahang KATOK- LIKO ai mismong high priest pa nila ang dismayado sa desisyon ng SC,. me mga taong natanong din ako about sa martial law lalong lao na yung about sa curfew malaking tulong daw yung time na yun dahil nagkaroon ng peace and order. saka pinaggugupit ang mga lalaking mahahaba ang buhok para malaman kung sinu ang NPA, me dahilan akaya ngkaroon ng martial law,dahil sa time ng 1960's at 1970's dumarami ang sumasapi sa COMMUNista kaya di mo masisi na ipatupad ang batass militar dat time. sabe nga ni father balweg sa napanood kong interview kinukuha ng mga NPA ang mga uniporme ng mga sundalo para gamitin nila sa mga masamang balak at para palabasin na sa gobyerno ang may pakana ng mga kaguluhang nangyayare.

    ReplyDelete
  2. i was born on 1973, my family also experienced the abuses of the Military, but why i go for marcos now? kc nakita ko ang mga proejects at programa ng marcos administration na wala pang hihigit sa mga nagawa ng lahat ng sumunod na administrations. Marcos built Hospitals, public schools (were well equiped), infrastructures (were solid), power plants, irrigation, state universities, etc... social services were alot better, housing projects were decent, study now pay later for the poor people who wanted to enroll in college.... most of all people were disciplined. I grow up in mindanao with zero crime rate in our place. ABOUT THE ABUSES? binangga kami ng truck ng militar nagturn turtle ang sinakyan namin halos buong pamilya sakay dahil lasing ang driver na sundalo tapos nag hit and run, will i blame marcos for it? i don't think marcos knew about it. I also grew up hearing my parents saying ninoy is a hero, but if you do your research? tell me what he had done to our country? except for the bla bla thing and even exposed the plan of marcos to take back sabah from Malaysia, a treason is it not? many other things against the marcos regime.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.