De Lima: PAYO raw at hindi UTOS ang ipinadalang text message kay Dayan


Nanindigan si Senador Leila de Lima na tama ang binigay niyang payo kay Ronnie Dayan, kahit na posible siyang ipaaresto ng kamara.

Photo from abs-cbn news
Paliwanag ni De Lima, hindi raw niya kinikilala ang pagdinig ng committee dahil layunin lamang nitong siraan ang kanyang pagkatao.

“Hindi naman nila ako binibigyan ng justice, wala namang makatarungan sa ginagawa nila sakin, why call it obstructions of justice? Mas maganda tawagin nating obstructions of prosecution. I’m trying to obstruct the acts of prosecution being done to me by this administration.”

Ayon sa Senadora, payo raw at hindi utos ang mensaheng pinadala niya kay Dayan sa pamamagitan ng anak nito na si Hana Mae.

“Anong utos, I stand by my advice. It was an advice and I stand by it.”

Wala parin daw natatanggap si De Lima show cause order ng kamara na magpapaliwanag sakanya sa kanyang ginawa at kahit kelan wala raw siya balak humarap sa kamara.

Nanindigan din si De Lima na wala siyang kinalaman iligal na droga, halata nga raw sa magkakaibang detalye ng testamonya ni Dayan at Kerwin na inimbento lang ang kanilang istorya.

“I’m not ruling out a scenario the possibility na after Kerwin Espinosa meron nanamang lalabas na iba pang mga allege drug lords at ako pa rin  ulit ang ituturo nila, lalo na nasira yung kanilang script.” 


Thank you so much for sharing a bit of your precious time to read this blog site. You can SHARE this now with your family and friends on FACEBOOK or TWEET it on TWITTER to get others informed about it.





No comments

Powered by Blogger.