Sen. De Lima: “Sila dapat ang mag-resign sa ginagawa nila eh.”


Ayon kay Senator Leila De Lima, hindi siya magbibitiw at walang makapipilit sa kaniya na magbitiw sa puwesto bilang senadora.

Photo from Bitag the Original
“Desisyon ko ‘yon. Walang pwedeng pumilit sa’kin doon,” giit ni De Lima.


Pagkatapos aminin ni De Lima ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan, Igiinit ni Chief presidential legal counsel Salvador Panelo na dapat ng magresign ang senadora.

"De Lima committed unlawful and immoral acts and opens her to a criminal charge of adultery, her lover being a married man.” Ani Panelo.

Noong mga nakaraang Senate Hearing tungkol sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison ay inakusahan ng ilang testigo si Ronnie Dayan na sangkot sa illegal drugs.

Ito raw ay nangyari noong kalihim pa ng Department of Justice si De Lima.

Ayon na naman kay De Lima, itinanggi nito ang paratang sakanya at ginigipit lamang siya ng pamahalaang Duterte.

“Sila dapat ang mag-resign sa ginagawa nila eh. Wala silang mga qualms about doing all these to me na ginagamit nila ‘yung buong machinery, resources ng Executive Department and as I said, sa 'kin sila nakatuon,” ayon sa senadora.

“Anong klaseng standards 'yan? Anong klaseng mindset 'yan na since ‘yun ang gusto ng Pangulo, ginagawa din nila ang lahat ng pamimilit, pag-coerce at pag-blackmail ng mga witnesses?” dagdag niya.

Ayon naman kay party-list Rep. Jose “Lito Atienza Jr. ay mabuting tanungin ang opinyon ng taong bayan upang mapulsuhan nito kung anong nais ng publiko.

"Kung may sensitivity siya sa public opinion. Magtanong siya. Alamin niya ano ang damdamin ng bayan dahil wala pa namang judgement," anang kongresista.

"She should ask. Madali lang iyan. Mag-post siya sa Internet. Tanungin mo ang mga tao: 'Magre-resign ba ako o hindi?'" dagdag niya.

Ayon naman kay Atienza, nasa 98 percent ng netizen ang may gustong magbitaw na sa pwesto ang senadora.




Source: gmanetwork.com

No comments

Powered by Blogger.