READ: How Karen Davila sparked the ‘Hello, Bato’ controversy


Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa revealed that someone superior to him called him up to reinstate Region 8 director Supt. Marvin Marcos despite being under investigation.

Photo from politics.com.ph

Read the full transcript of Dela Rosa interview with Karen Davila.

KAREN DAVILA (KD): When it comes to Supt. Marvin Marcos and his team, what is the state today? Are they floating? Are they suspended?

RONALD DELA ROSA (RDR): They are under restrictive custody.

KD: Which means?

RDR: Meaning nasa loob sila ng kampo.

KD: Hindi umuuwi?

RDR: Makauwi with my approval of course.

KD: Pinapauwi niyo?

RDR: Escort-an kung kailangan talaga nila umuwi so kailangang ma-monitor yung movement nila. Restrictive custody means sa loob lang sila ng kampo. Nababantayan. Hindi pwedeng lumabas.

KD: Is it true that you had relieved Marcos in the past? Ni-relieve mo na daw ‘yan noon.

RDR: Yes.

KD: Bakit siya nakabalik? Yung totoo sir.

RDR: Yung totoo? (laughs)

KD: Kasi ni-relieve mo na. Ikaw ang PNP chief, nakabalik siya. May nag-utos ba sa inyo na ibalik siya?

RDR: In the first place, nakita ko na by letting him stay doon sa Region 8 ay nakakatulong sa investigation is RIAS 8. So i-relieve ko siya doon, dalhin ko sa Camp Crame, pag nag-hearing ang RIAS 8, balik na naman siya doon sa Region 8 to appear doon sa hearing ng RIAS 8. So I found it wise na na nandoon na lang siya para maharap niya yung kaso niya.
At tsaka hindi ko makita na… Yung cause kasi sa pag-relieve, to avoid undue influence in the ongoing investigation conducted by the PNP. Hindi ko makita na magkakaroon ng undue influence pag nandoon siya.

KD: But didn’t you relieve him before the death of Mayor Espinosa?

RDR: Yes. Nagpa-issue ako ng order. Dahil nga noong naging sina Col. Ferro and Col. Delvo sa Abu Dhabi kay Kerwin, sinabi na ni Kerwin doon sa… Kasi mahirap yung protocol doon, hindi basta-bastang makapag… Nasa custody ng mga Arabo yung preso, hindi ka pwedeng mag-interview. So patago nilang in-interview at sinabing, ‘ito yung mga pangalan na tumatanggap sa akin.’

KD: Ang tanong ko lang is, bago mamatay si Mayor Espinosa technically ni-relieve mo na si Marcos.

RDR: Ni-relieve ko.

KD: Tama yung ginawa niyo nun.

RDR: Ni-relieve ko.

KD: Kung nanatiling naka-relieve si Marcos, hindi patay si Mayor Espinosa ngayon. Ang tanong ko, meron bang nakiusap sa inyo na ibalik si Marcos sa posisyon?

RDR: Meron. Merong tumawag. Baka pwedeng sa executive session na lang sabihin ko sa ‘yo? (laughs)

KD: Sir, it’s quite serious. You’re saying he has a backer. Clearly, Marcos has a backer because you relieved him buhay pa si Mayor Espinosa, correct?

RDR: Ito klaruhin ko sa ‘yo. Kahit na wala siyang backer, yun pa rin ang magiging desisyon ko.

KD: Kaya nga. You relieved him di ba? Ni-relieve mo na. Buhay pa si Mayor Espinosa. May tumawag sa inyo at nakiusap ibalik siya. Patay na si Mayor Espinosa ngayon dahil nabalik siya sa posisyon. Ngayon patay na si Mayor Espinosa. So sino sir yung nakiusap sa inyo na, ‘ibalik mo si Marcos?’

RDR: May tumawag sa akin. Di ko na sabihin, basta may tumawag sa akin. Hindi ako nag-sinungaling ah, pero ayokong sabihin sa ’yo kung sino yung tumawag dahil akin na lang ‘yun. Basta may tumawag sa akin.

KD: Would it be someone higher than you? Someone who outranks you?

RDR: Yes. Oo.

KD: Would it be the President?

RDR: Hindi ko nga sabihin sa ‘yo basta may tumawag.

KD: Someone in his Cabinet.

RDR: Basta meron nga. (laughs) Sabi ko mas mataas sa akin, alangan namang… sino bang mas mataas sa akin? E di doon sa taas.

KD: So is it fair to say sir you followed orders? Nung sinabing ibalik mo si Marcos, sumunod po kayo?

RDR: Yes.

KD: Do you regret it? Do you believe if Marcos wasn’t reinstated, Mayor Espinosa would still be alive?

RDR: Magre-regret ako kung alam ko na prior to that incident may knowledge na talagang mamatay siya. Magre-regret ako. Pero yung pag-reinstate kina Marcos sa Region 8, I don’t regret it. Okay lang sa akin. Had I known it earlier na mamamatay si Espinosa nung operation na ‘yun, magsisisi ako. Pero to be honest with you, hindi ko talaga alam yung mangyayari?

KD: Kanino malapit si Supt. Marcos para may tumawag sa inyo para sabihin, ‘Bato naman, pakibalik mo naman yun. Ba’t mo ni-relieve?’

RDR: Kanino malapit? Ewan ko. (laughs)

KD: But you’re willing to divulge it in an executive session?

RDR: Between you and me, mag-executive session tayo. (laughs)

KD: No, but they’re bound to ask you because if you relieved him then reinstated him after saying someone called, senators would be asking you who that person is. You would tell them the truth under oath?

RDR: Mm-mm. (nods)

KD: So you don’t regret following orders?

RDR: No.

KD: Binalik niyo si Marcos.

RDR: Yes.

KD: Now nandoon ka sa hearing. Tell me the truth. Do you believe nanlaban si Mayor Espinosa or do you believe pinatay siya ni Marcos at ng tao niya?

RDR: Hintayin na lang natin kalalabasan ng investigation. Ayokong magbigay ng conjecture dahil alam mo na, maka-apekto yun sa imbestigasyon. To be fair naman sa mga tao ko, sila Marcos ay mga tao ko yan. Regardless kung nagkamali sila, may abuso silang ginawa, tao ko pa rin sila. To be fair sa kanila, kailangang palabasin ang investigation dahil kung ako magbigay ng opinion, wala na, that will change everything na.

KD: Who will be investigating them? Is it the PNP Internal Affairs Office?

RDR: Yes. Internal Affairs Service.

KD: If found guilty, what will you do?

RDR: Kung anong nakalagay sa batas namin, tanggalin sila, i-dismiss, dismiss. Hindi ako magsisisi kung ‘yan ang recommendation ng IAS, dismissal, then I will sign the papers right away.

KD: But do you at least have doubts on the credibility of Supt. Marcos’ testimony na nanlaban si Mayor Espinosa?

RDR: As I’ve said, ayokong magbigay ng opinion doon sa punto na ‘yan dahil that will cause… makaka-apekto yan sa investigation. A comment, kahit personal comment ko, coming from the Chief PNP, that will change everything.

KD: But isn’t it fair to say that clearly you have your doubts kasi umiyak kayo sa Senado eh.

RDR: Yes, oo…

KD: Nung tinanong ni Sen. Migz Zubiri na, ‘Ano ba naman to, sir sino bang pagkakatiwalaan namin?’ You were so frustrated.

RDR: Totoo naman yun. Pati nga si Espenido yung tao, ako mismo naglagay sa kanya dahil instruction sa akin ni Presidente, ‘maghanap ka ng pulis, ilagay mo doon, yung lalaban, yung matino. Yung kasaligan sa Bisaya. Yung mapagkakatiwalaan at siguradong lalaban sa mayor na yan dahil grabe na yang ginagawa ng mayor na yan.’ Sabi pa nga ni Presidente sa akin, ‘maghanap ka ng chief of police na kung pwede siya mismo babaril sa mayor na ‘yan kung gumawa ng kalokohan at manlaban, siya mismo ang babaril.’ Yan ang instruction ni Presidente sa akin.

KD: So si Espenido ang nilagay niyo?


RDR: Si Espenido ang nilagay ko. Yun din, galing sa mga political rivals ni Espinosa na nagtatago na doon sa Davao dahil hinahabol nina Espinosa, nagtatago sa Davao. Nagkataon pumunta kay Presidente, nag-complain, ‘Sir, sobra na rung nangyayari sa Albuera. Lahat kami nagtatago na sa Davao dahil patayin kami ng mga Espinosa doon. So yung tao na yun, ni-refer sa akin ni Presidente, kinausap ko, then tinanong ko sa kanila sino pwedeng gawing chief of police doon, si Espenido ang ni-recommend nila.


Thank you so much for sharing a bit of your precious time to read this blog site. You can SHARE this now with your family and friends on FACEBOOK or TWEET it on TWITTER to get others informed about it.

What can you say about this? Comment below.





Source:  politics.com.ph

No comments

Powered by Blogger.