Bishop Bacani: “Bibigyan ko ng P10M si Duterte kung maipakita niya dawala asawa ko.”


Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, bibigyan umano niya ng P10 milyon si President Rodrigo Duterte kung mapatunayan itong may dalawang asawa.

Photo from gmanews
“Unang-una saan nakuha ng presidente 'yun? Alam mo, kung makapag-produce ang presidente ng kahit na isang asawa ko, bibigyan ko siya ng limang milyong piso. Kahit mangutang ako, kung maka-produce siya ng dalawa, makaka-sampung milyon ang presidente natin,”pahayag ni Bishop Bacani.

“Pero huwag naman niyang lalabanan ang katotohanan sa pamamagitan ng kasinungalingan at paninira ng kapwa. Maghunos-dili naman siya, presidente siya, hindi naman ordinaryong tsismoso,”pahayag ng obispo

“Kapag ganyan, masyado niyang dini-degrade ang pagka-presidente, bumababa ang tingin ng tao sa presidente na tsismoso, mali pa ang tsismis at hindi pa totoo. Ang tagal nang maraming nag-aakusa sa akin ng mga iba-ibang bagay, pero pagkakaroon ng asawa, hindi pa ako inakusahan ni minsan,” ayon kay Bacani.

Ipinagdarasal din umano ni Bacani na darating ang panahon na maliliwanagan din ang Pangulong Duterte.


*****************************************************

Thank you so much for sharing a bit of your precious time to read this blog site. You can SHARE this now with your family and friends on FACEBOOK or TWEET it on TWITTER to get others informed about it.

What can you say about this? Comment below.




Source:  gmanews

No comments

Powered by Blogger.