Jalandoni to Duterte: Hindi Terorista Ang CPP - NPA - NDF



Kinontra ni senior Louis Jalandoni ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na terorista ang kanilang grupo.

Posible nga raw na mismong military at hindi naman NPA nasa likod ng pagpatay sa tatlong sundalo sa Bukidnon.

“Hindi tama yan. Dahil yung mga NDF-CPP-NPA ay nakikibaka para sa sambayanan, para sa peace talks, para rin sa socio economic reforms, para sa land reforms.”

“Alam na alam ho ng sambayanan at ng mga masa sa kanayunan at iba’t ibang lugar pa sa Pilipinas yung CPP NPA ay lumalaban at nakikipag-peace talks para sa kanilang kabutihan. Hindi tatanggapin yung ganoong statement ho ng sambayanan at ng masa.”

“Maaaring military din ang bumaril nung maraming bala jan sa kanila, kasi wala pa kaming report na galing sa NPA. Kailangan tignan, wala namang ganoong patakaran ang NPA na gumamit ng ganoong karaming bala sa isang engkwentro ho. So, tignan na lang. Maaaring rubout din yan na galing sa military mismo para ipagbintang po sa NPA.”

“Para sa NDFP, nanjan pa rin ang Peace Negotiations. Officially, sabi nga ni Ka Fidel Agcaoili, chair ng NDFP Negotiating Panel, hinihintay pa ng NDF yung official notice, written notice mula sa GRP negotiating panel kung talagang tine-terminate nila ang peace negotiations.

“Wala pa yung notice of formal termination, at yung JASIG ay still effective so hindi pwedeng arestuhin yung Peace Consultants. Walang ganoong posibilidad ngayon under the JASIG Agreement.”


Watch the video below:



*****************************************************

Thank you so much for sharing a bit of your precious time to read this blog site. You can SHARE this now with your family and friends on FACEBOOK or TWEET it on TWITTER to get others informed about it.

What can you say about this? Comment below.




Source:  gma news

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.