JV Ejercito: “Ang bintang ni Trillanes kay Pres. Duterte ay isang malaking kalokohan!”



Senator JV Ejercito has defended President Rodrigo Duterte, after Senator Antonio Trillanes IV accused the President of massing huge wealth since he was mayor of Davao City.





"Hindi sa pagsisipsip pero isa si Rody Duterte sa pinaka simpleng taong nakilala ko na nasa gobyerno. Magmula sasakyan, pananamit at pagkain.

"Ang bintang ni Trillanes sa Pangulong Duterte ay isang malaking kalokohan. Bihira ang simpleng tao gaya ni Duterte sa mga nakilala ko.

"Sa loob ng halos 16 taon na ako ay mapasok sa pamahalaan, napakarami ko nang nakilalang opisyal ng pamahaalaan, na may iba't ibang karakter din. Si Pangulong Duterte na siguro ang isa sa pinaka simpleng taong aking nakilala na nasa pamahalaan. Mahigit 15 taon ko na siyang kilala at ni minsan di pa ako nakatikim ng mamahaling restawran.

"Madalas ay sa Conching's sugbaan kami na napakasimpleng kainan na walang aircon.

"Pagkatapos ay kakain ng durian sa tabing kalye.

"Mahirap paniwalaan ang bintang na siya ay may bilyun-bilyon na naka deposito sa bangko.

"Ang pagkakakilala ko kay Rody Duterte ay simpleng tao at wala masyadong luho. Pick up ang sasakyan, simple manamit, at sa simpleng kainan kung kumain.

"Bihira ang nag nakilala ko na ganito ka simple ang buhay gaya ni Rody Duterte."


*****************************************************

Thank you so much for sharing a bit of your precious time to read this blog site. You can SHARE this now with your family and friends on FACEBOOK or TWEET it on TWITTER to get others informed about it.


What can you say about this? Comment below.





No comments

Powered by Blogger.