Pag napunta si De Lima sa impyerno, gawin siyang reyna ni Satanas! – Duterte


Photo from trending news portal



Dahil sa kaniyang edad, hindi ikinaila ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilang na rin ang sandali niya sa mundo. At kapag pumanaw na, batid umano niya na sa impiyerno ang kaniyang punta pero mayroon siyang hihintayin— ang nakadetine na si Senadora Leila De Lima.

Binatikos ng pangulo ang umano'y mga kasalanan ni De Lima kaugnay sa pagkakasangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

“Sigurado man, ‘pag sa edad, siyempre mauna ako, sigurado — wala naman akong ambisyon, impiyerno talaga ako. Iyan ang totoo. Pero maghintay ako sa kanya [De Lima]. Pagdating niya, sabihin ko talaga, ‘Senyor Satanas, dumating na ang reyna na hinihintay mo.’ Eh totoo man,” pahayag ni Duterte.

"Kami pa ang kasalanan, si Vit Aguirre pa," patungkol ni Duterte kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre na nagsampa ng kaso laban kay De Lima.

"Classmate ko iyan. Cum Laude iyan sa law school. Kami ba naman mag-imbento ng... I will never never never iyong ganoon lalo na kung babae mag-imbento ako ng istorya," ayon pa sa pangulo.

"Hindi talaga ako papayag sa ganoon maski dito sa Cabinet. Do not do it. Huwag iyan na mag-imbento ka ng kaso ganoon tapos no bail, pakulong mo. Ngayon, mag-isa siya," dagdag niya.

Hindi rin nakaligtas sa mga patutsada ni Duterte ang mga sulat-kamay na pahayag na ginagawa ni De Lima, at ang pagdalaw ng aso nito sa loob ng kulungan.

“De Lima, gusto ako ipatanggal. Ano ang ginawa? Iyan ang tragedy sabi nga nila eh. The tragedy is siya iyong Secretary of Justice, hawak niya iyong presuhan. Siya mismo went into trafficking. No bail iyan. Sige sulat, sige mura sa akin. Ayaw pang admitahin. Nang free advertisement na siya sa sarili niya,” kuwento ni Duterte sa kaniyang talumpati.

“Sabi niya, ‘Hindi iyan ako.’ Pero iyong aso na palakad-lakad doon sa tabi ng kama, iyong aso niya dala-dala niya kapag magpunta siya sa labas,” patuloy ng pangulo.

Patuloy pang pagbatikos ni Duterte kay De Lima; “Alam mo, hinanahanap ko talaga. Wala akong na akong nakita sa Pilipinas, hinahanap ko ang babae na napakakapal ang mukha, siya lang."

“Alam mo, lapitan mo iyan, laslasan mo ng blade, hindi tatalab. Buhusan mo ng asido ang mukha, ganoon lang iyan. Balewala eh,” ayon sa pangulo.

“Kaya sabi ko, iyong mga guwadiya na pulis, ‘Psst, huwag kayong lumapit diyan ah. Huwag kayong magpakita sa selda palakad-lakad. Palayo kayo. Doon kayo sa ibang preso. Ma-isyu pa tayo niyan.’ Iyong guwardiya pati iyong driver, lahat naratsada,” aniya.

“Mabuti nalang hindi siya nagpasyal-pasyal ng Davao kasi kung gabi na at wala na akong mahanap na iba, nah, sorry na lang,” sabi pa ni Duterte.





Source:  gma news

No comments

Powered by Blogger.