Akbayan Rep. Villarin kay Bongbong: Sino ang unpatriotic?


Photo from abante



Ayon umano kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nation (UN) ukol sa anti-drug war ng gobyernong Duterte ay hindi unpatriotic, taliwas sa pahayag ni dating Sen. Na si Bongbong Marcos.

Sa panayam kay Villarin, sinabi nito na kung mayroon mang unpatrio­tic na naganap sa bansa ay ang pagnakawan ng isang pamilya ang mga Pilipino sa mahabang panahon, namuhay ang mga ito ng marangya at dedma lang.

“Unpatriotic is when one’s family steals money from the people, lavishes on it and pretends not­hing happened,” pasaring ni Villarin kay Marcos.

Hindi man direktang pinangalanan ni Vill­arin ang pamilyang tinutukoy nito, hindi naman lingid sa kaalaman ng sambayanang Filipino ang nakaraan ng pamilyang Marcos na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng linaw.

Sinabi ng mambabatas na kahit kailan ay hindi umano unpatriotic ang ginawa ni Robredo dahil nagsasabi lang aniya ito ng totoo sa isang komunidad kung saan kabilang ang Pilipinas o ang UN.




Source:  abante.com.ph

No comments

Powered by Blogger.