Archbishop Cruz, Pinuri si Duterte dahil sa pangunguna sa TIME Magazine online poll


Photo from DWIZ

Nagbigay ng reaksyon ang dating CBCP president at Archbishop Emeritus Oscas Cruz tungkol sa pangunguna ni President Rodrigo Duterte sa Online poll para sa 100 most influencial people 2017 ng TIME Magazine.

Naniniwala umano si Oscar Cruz na walang nagawa ang nakaraang administrasyon kaya naman mataas ang tingin o pagtanggap ng maraming Pilipino ngayon kay Pangulong  Duterte.

Batay sa inilabas ng TIME magazine, nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte na may 5 percent sa kabuuang “yes” votes habang kasunod sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft co-founder Bill Gates at Facebook founder Mark Zuckerberg na pare-parehong nakakuha ng 3 percent.

Inamin ng TIME na malaking bagay sa nakuhang boto ni Pangulong Duterte ang kontrobersyal nitong kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas.

Pinuri naman ni Oscar Cruz si President Duterte dahil sa kanyang mahusay na hangarin para sa bansa.

Ayon kay Cruz, hindi man anghel ang pangulo ay mabuti ang kanyang mga layunin na malinis ang lipunan, mawala ang krimen at droga sa bansa.

Naniniwala rin ito na wala sa isipan ng pangulo na mangurakot at gumawa ng katiwalian.




Source:  bomboradyo

1 comment:

  1. Global ang survey ng Time, hindi lang mga Pilipino ang bomoto. Baka ang implikasyon ng panalo ni PRRD ay gusto rin ng mga ibang lahi na mapuksa ang droga sa kani-kanilang bansa.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.