Pambansang bangungot ang war on drugs ni Presidente: Hontiveros


Phoot from rappler



Unti-unti na umanong nagiging pambansang bangungot ang pagbaba ng suporta ng mga Pilipino sa kampaniya kontra droga ng Administrasyon ni President Duterte.

Ito ang reaksyon ni Senadora Riza Hontiveros sa lumabas na survey ng SWS o Social Weather Stations na kakaunti na lamang ang nasisiyahan sa war on drugs.

Giit ng Senadora, patuloy na bababa ang suporta ng taumbayan sa kampaniya ng gubyerno hangga’t patuloy iyong lumilikha ng takot sa mga pilipino.

Maituturing aniyang sampal sa mukha ng mga nagsasabing walang nangyayaring extra-judicial killings dahil malinaw na batayan na aniya ang pitumpu’t tatlong porsyento ng mga respondents ang natatakot na sumunod sila sa mga mapapatay dahil sa nasabing kampaniya.




Source:  dwiz882

1 comment:

  1. ulol mo virushonti nganga ka australia bobo kang hinayupak ka kala mo nanalo kang hayop ka

    ReplyDelete

Powered by Blogger.