Saudi King Bilib Na Bilib Kay Pangulong Duterte


Photo from abscbn



Sa panayam kay Senator Allan Peter Cayetano, matagumpay ang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Saudi Arabia kung saan nagkaroon siya ng one-on-one meeting kay King Salman bin Abdulaziz Al Saud.

Napag-usapan sa pulong ng hari at ng pangulo ay ang kondisyon ng mga OFW na nagtatrabaho sa kaharian lalo na ang mga nasasangkot sa iba't ibang mga problema.

“Napaka warm po ng pagtanggap ng hari ng Kingdom of Saudi Arabia sa ating pangulo, napakaganda po ng kanilang one-on-one at bilateral meeting, nakaka-touch po ang sinabi ng hari na dito sa Saudi ang gusto nila ay iisa ang batas, kung ano ang batas sa Saudi national yun din ang batas para sa Pilipino at maging ang Royal Family."

Isa sa mga siniguro ng pangulo sa pulong nila ng hari ay ang pagpapauwi, sa pamamagitan ng amnesty, ng mga kababayan nating stranded doon.

Sasagutin ng Department of Labor and Employment ang pamasahe pauwi ng mga mag-a-avail ng amensty program na walang pamasahe pauwi. 

Samantala,  isinalarawan ni Department of Trade and Industry secretary Ramon Lopez na bilib na bilib ang Saudi king kay Panulong Duterte.

“Kanina ang ganda ng meeting gustong gusto nila si presidente, yung leaders ng Saudi Arabia talagang bilib na bilib sa pagka sincere niya sa mga Pilipino lalo na sa mahihirap ay ganoon din ang kanyang ipinakita sa mga bansa na tumutulong sa atin." 

Si Pangulong Duterte ay nakatakdang makipag kita sa iba't ibang grupo ng mga Filipino sa Saudi Arabia Miyerkules ng gabi.




Source:  gma news

No comments

Powered by Blogger.