Enrile: Martial Law declaration ni Duterte, walang makakapigil kahit Supreme Court



Suportado ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Enrile na wala siyang nakikitang dahilan upang punahin ang desisyon ng pangulo.

Paglilinaw ng dating senate president na isinasaad sa batas na may kapangyarihan ang pangulo ng bansa na magdeklara ng batas militar dahil sa banta sa seguridad sa Mindanao.
Wala rin umanong makakapigil sa desisyong ito ng pangulo kahit pa ang Supreme Court (SC).

Iginiit naman ni Enrile na hayaan ang pangulo na gampanan ang kanyang katungkulan sa taongbayan.

“Walang makakahadlang sa presidente niyan kahit na ang Korte Suprema. Wala silang magagawa sapagkat sinasabi sa Saligang Batas na kapag nagkaroon ng giyera o rebelyon responsibilidad at obligasyon ng presidente ng Pilipinas na patahimikin ang banta at gamitin niya ang batas militar,” ani Enrile.

Samantala, pinaplano ng ilang Muslim lawyers ang paghahain ng petisyon sa pagpapawalang-bisa ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Nagbigay naman ng pahayag ang Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo tungkol dito at sinabing ang karahasang ginawa ng Maute group sa Marawi City ay sapat na basehan sa pagdedeklara ng Pangulong ng Martial Law.

Handa naman daw ang Palasyo na tanggapin anuman ang desisyon ng Kongreso o ng SC sakaling may kukuwestiyon sa proklamasyon.

“The public should not be alarmed by the President’s proclamation because the Constitution itself provides ample safeguards to ensure the responsible implementation of martial law. Given the safeguards provided by the Constitution, and the President’s pure intention to do everything within his power to maintain peace and order and ensure the safety of the public, there should be no reason for the public to be anxious about the proclamation of martial law,” pahayag pa ni Sec. Panelo.





No comments

Powered by Blogger.