Gabriela, pinatulan ulit ang ‘rape joke’ ni Pres. Duterte sa mga sundalo sa Iligan



Kinondina ng grupong Gabriela ang ‘rape joke’ ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ito ay dumalaw sa mga kasundaluhan sa Iligan city.

Ayon sa grupo ng kababaihan, hindi biro ang salitang ‘rape’ at hindi dapat ito binabanggit lalo na’t ipinatupad ng ang martial law sa Mindanao.

Paliwanag pa nila, manghihikayat ito sa mga sundalo na gawin ang panggagahasa dahil narin sa mga biro ng Pangulo.
Nanawagan sila sa pangulo na dapat ay ipromote ang interest at proteksyon ng mga kababaihan at kabataan mula sa abuso at bawiin ang martial law sa Mindanao.

Kamakailan ay binisita ng pangulo ang Philippine Army sa Iligan City at nagpaabot ng suporta sa mga ito.

“If you go down, I go down. But for this martial law and the consequences of martial law and the ramifications of martial law, I and I alone would be responsible. Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na ang magpakulong sa inyo,” saad ng president.

“Pag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin iyon," pabirong sinabi ni Duterte.

"Pag nag-asawa ka ng apat, t—ina, bugbugin ka ng—ito si Delfin,” Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tinutukoy ng president.

"During martial law, your commanders, you—you can arrest any person, search any house, wala ng warrant. Kagaya noon," 





No comments

Powered by Blogger.