Juday on Sharon Cuneta’s depression: "She’s coping, she’s trying to work things out."



Positibo si Judy Ann Santos na malalagpasan ng kaibigang si Sharon Cuneta ang nararanasan nitong depression ngayon.

Eto ang nagging pahayag ni Judy Ann Santos tungkol sa hinaharap ng na problema ng kanyang kaibigan na si Megastar Sharon Cuneta.

"All I can say now is ang daming acceptance and realization ni Ate. She’s doing good, she’s doing well. Ang hinihingi niya lang siguro ngayon sa mga tao is understanding and prayers na ma-overcome niya yung struggles na pinagdadaanan niya."




Isa si Judy Ann Santos sa unang nakaalam na nakararanas ng depresyon ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Saad niya, "Hindi naman nawala yung communication namin ni Ate Sharon, nagte-text-an kami once in a while.

"Pero hindi lang din talaga kami nagkikita.

"That Monday, nag-decide ako na puntahan na talaga siya kasi matagal na kaming hindi nagkikita.

"Para lang makumusta, para lang makapag-usap, makipagkuwentuhan... ganun naman kami.

"Ako, I’m very grateful na hanggang ngayon ay na-preserve ko ang friendship namin, kasi it’s something na hindi mo makikita sa ibang tao."

Tugon ni Judy Ann, "She’s doing okay. She’s coping, she’s trying to work things out.

"She said naman in her post na medyo nandun siya, dumaan siya sa state of depression and state of loneliness.

"Pero all I can say now is ang daming acceptance and realization ni Ate.

"She’s doing good, she’s doing well.

"Ang hinihingi niya lang siguro ngayon sa mga tao is understanding and prayers na ma-overcome niya yung struggles na pinagdadaanan niya.

"And that’s why we’re here for her."

"Ay, ang sabi ko lang sa kanya is, ‘Ate, go, halika na at tumakbo na tayo!’"

Bagamat nakararanas ng depresyon, tiniyak ni Judy Ann na hindi darating sa punto na magiging suicidal si Sharon.

"Siya mismo ang nagsabi na hindi mangyayari ‘yon.

"Depression can come in the ugliest form, ’di ba?

"Yung suicide moment, ‘yon ang isang bagay na hinding-hindi niya gagawin.

"Kasi knowing Ate, she’s better than that," sabi ni Judy Ann.

Kamakailan at binasag na nga ni Sharon ang kanyang katahimikan tungkol sa viral na larawan ng kanyang asawang si Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Senadora Risa Hontiveros habang diumano’y magkahawak-kamay, na binigyang pakahulugan ng marami na nagkakalabuan na ang dalawa.

“There is no truth to the rumors going around that Kiko and Sen. Risa Hontiveros are having an affair (or held hands). Some people are evil. They have nothing better to do than ruin people’s lives,” ani Sharon sa kanyang Facebook post.

“Kung noon pa, ngayon at bukas ay mapapatunayan kong may iba pang babae sa buhay ni Kiko, ito lang ang masasabi ko: Lahat ng tinahimik ko noong nasira ang first marriage ko, dahil ang pagpapalaki ng Mommy ko sa amin ay ang huwag pag-usapan sa publiko ang dapat ay pribado, at personal,” sabi ni Sharon.

“Do not even THINK about putting one over me. I shall NEVER allow it again. So if I am indeed going through anything now, IT DOES NOT INVOLVE A THIRD PARTY,” paglilinaw ni Sharon.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Senador Pangilinan sa kanyang Twitter account para kay Sharon.

“Know that as you go through your own life journey I’ll be here beside you & even if I may not be able to solve a number of problems you face, my shoulders’ll always be here for you to lean on & my arms will always be available for big hugs should you feel the need for them. Always,” tweet ng senador.






1 comment:

  1. Nakatawa na si Kikoy nyan sanay lalala para one way nakay Honti...ok a...

    ReplyDelete

Powered by Blogger.