Masyadong Atat! Bianca Gonzales rants about high tax rate in Duterte administration



Idinaan ni Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa Twitter ang hinaing niya tungkol sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Bianca, mabigat sa loob ang pagbabayad ng buwis para sa lahat, lalo na kung hindi ramdam kung saan ito napupunta.


Sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamalaking personal tax rate na umaabot sa 32 percent.
Ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ay ginagawang pondo ng gobyerno para sa pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng lipunan; kagaya ng pagpapagawa ng mga imprastuktura tulad ng tulay at kalsada, pondo para sa public schools at ospital, sahod para sa public servants, at iba pa.

May ilang netizens na nag-react sa tweet ni Bianca.

Ilan sa mga ito ay sinisisi si Bianca sa pagiging “dilaw” umano nito at pagpabor sa partidoni dating Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III. 

May iba namang nagmungkahing bigyan ng sapat na panahon ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabihan din ng ilan ang ABS-CBN host na ibaling ang sisi sa nakaraang administrasyon.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:


Sumunod na tweet ni Bianca, sinabi niyang ramdam man kung saan napupunta ang buwis, mas ramdam daw ang hirap ng pagbabayad ng malaking buwis kaysa kung saan ito inilalaan ng gobyerno.

Umaasa rin daw siyang maramdaman ang epekto ng buwis, gaya ng mga imprastuktura sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon

Paglilinaw ni Bianca, ang hinaing niya sa problema sa buwis ay tumutukoy maging sa mga nakaraang administrasyon ng mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas.



Samantala, isa sa isinusulong ngayon ni Pangulong Duterte ay ang pagkakaroon ng tax reform, kung saan magkakaroon ng mas mababang tax rate at ia-adjust ang tax bracket.

Layon ng tax reform na ito na ang mga Pilipinong may mas mataas na income ang magbabayad ng mas malaking buwis.





Source:  pep

No comments

Powered by Blogger.