Binay Focus na sa Bible study, Ayaw na pumasok sa Pulitika



Dating bise president Jejomar Binay inaming natuto ang magpatawad at humingi ng tawad dahil sa pagbabasa ng bible.

“Siguro, sabi ko kaya siguro ako ginabi eh para makapagbasa ako ng Bibliya.. maganda.. Good book and im proud, this time I’m closer to God and I’m beginning to know about him.”

Inamin ni Binay na mula nang siya ay maging aktibo sa isang bible group ay natuto na siayng magpatawad at humingi ng tawad.

Ayon kay Binay, parang nabunutan ito ng tinik ng pinatawad nito ang mga nakapanakit at umargrabyado sakanya.

“Bakit naman hindi nila tatanggapin yun.. ako na tumawag.. ako na nga sinaktan nila eh.” Ayon ito sa dating Bise Presidente.

Matatandaan namang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Binay at Ernesto Mercado matapos tumakbo bilang mayos si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Nauna na kasing ipinangako sa kanya ng nakatatandang Binay na siya ang susunod na tatakbong alkalde sa kanilang lungsod sa pagtatapos ng kanyang termino noong 2010.

Sa ngayon ay parehas silang masaya ng dating kaibigan matapos magyakapan at humingi ng kaparawaran sa isat-isa.

Ipinangako rin ng dalawa na hindi na muling papasok sa Pulitika at magfofocus muna ang dating bise presidente sa pagiging aktibo nito sa bible study.


Panoorin ang panayam kay Binay:

No comments

Powered by Blogger.