Drug trade sa Bilibid, bumabalik nanaman - DOJ




Sa Pagdalo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa 15th anniversary ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City, inamin nito  na unti-unti na namang nabubuhay ang drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon sa DOJ, matagumpay nilang napigilan ang operasyon ng droga sa NBP sa nakalipas na halos isang taon pero may mga natatanggap siyang bagong mga balita mula sa NBP.

Ipinaliwanag nito na hindi aniya maiwasang matukso ang ilan sa mga jail guards dahil malaking pera ang nasa likod ng operasyon.

Base sa nakuha niyang impormasyon, maliban sa mga dating personalidad, meron din siyang narinig na mga bagong pangalan na umeeksena rin sa drug trade sa NBP.

Sabi ni Aguirre, Para maiwasan ito ay dapat pinapalitan ang mga jail guards kada tatlo o anim na buwan para maiwasan na maging pamilyar ito sa mga preso at palitan ng mga miyembro ng Philippine Marines ang mga Special Action Force (SAF) na kasalukuyang nagbabantay ditto.

Ngunit dahil sa abala ngayon ang Marines sa pakikipagbakbakan sa Marawi City ay baka mga bagong batch na lamang ng SAF ang ipapalit nila sa mga kasalukuyang mga jail guards sa Bilibid.



Source:   RADYO INQUIRER
 

1 comment:

  1. Wag nyo namang tagalan Mr. secretary ang aksyon nyo tungkol sa drug trade na yan. Kahit sa mga probinsyal jail at city jail unti-unti na naman bumabalik.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.