Maute nagbigay ng kondisyon para itigil na ang kanilang pag-atake sa Marawi



Nabalot ng tensyon at takot ang mga residente ng Marawi City, Lanao del Sur matapos lumusob ang mga miyembro ng Maute Group sa lungsod.

Sa ilang linggo na krisis sa Marawi City, Lanao del Sur ay umaabot na sa 100 katao ang napapatay sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng security forces at ng Maute –ISIS (Islamic State of Iraq and Syria).

Sa kabuuang 61 napatay na Maute-ISIS group, 42 dito ay narekober ang mga bangkay sa encounter site habang 19 naman ay base sa testimonya ng mga assets at ilang pang mga testigo.
Samantalang 19  naman sa security forces ay napatay sa bakbakan, 15 dito ay mga sundalo at apat naman ang pulis kabilang ang dalawang opisyal.

Bilang kondisyon, naglatag ang ISIS – Maute Group ng kanilang kondisyon para itigil ang kanilang pag – atake sa Marawi City.

Ayon sa isang hindi pinangalanang residente na nasagip mula sa Maute, nais umano ng mga naturang teroristang grupo na palayain ng pamahalaan ang naarestong mga magulang ng Maute brothers na sina Engr. Cayamora Maute at Farhana Romato – Maute na kasalukuyang naka piit sa Camp Baong Diwa sa Taguig.

Inihihirit din ng Maute group tanggalin na ng gobyerno ang mga tropa nito na naka – deploy sa naturang siyudad.

Malaking bagay para sa pamahalaan ang pagkaka-aresto ng mga government forces sa mga magulang ng Maute brothers.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na malaking dagok sa Maute ang pagkaka-aresto sa mag-asawang Maute lalo na sa support system ng teroristang grupo.

“Her arrest dealt a severe blow on the terrorist support system and bears negative on the disposition of the Mautes,” wika ni Lorenzana.

Sinabi ni Lorenzana na lubos na nirerespeto ng mga Maute ang kanilang nanay at tatay kung kayat mahagalaga ang kanilang pagkaka aresto.

Giit ng kalihim na ang Maute couple ang siyang financier at adviser ng teroristanf grupo.

“Farhana is the proclaimed local terrorist groups adviser, financier and provider owing to her vast financial resources drawnn locally and abroad, she wields strong influence on the Maute children,” pahayag ni Lorenzana.

Tikom naman ang bibig ng militar kung saan ngayon nakakulong ang Maute matriarch.




Source:  DWIZABS-CBN NEWSPhilstar

No comments

Powered by Blogger.