President Duterte kay Chief Justice Sereno: Ma'am Huwag Kang Makialam Sa Trabaho Ko



Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na huwag siyang paki-alaman sa kanyang trabaho partikular na sa paglaban sa iligal na droga.
“Ako ang pangulo ng bansa, may ginagawa ako para labanan ang problema sa droga na anim na taong inupuan ng gobyernong nag-appoint sa’yo”, paliwanag ni Duterte.

“Malinaw ang sinabi ko, wala akong utos na hulihin ang mga judges na sabit sa droga ng walang warrant of arrest, pati mga pulis hindi ko pinaaresto, ang sinabi ko magreport kayo sa Supreme Court”. Ayon sa Pangulo.

“Pareho tayong abogado kaya huwag mo akong turuan ng trabaho ko”, ayon pa kay Duterte.

“I’m giving you a warning. Don’t create a crisis because I will order everybody in the executive department not to honor you,”

Binigyang-diin din ng Chief Executive na walang mali sa ginawa niyang pagsasabi ng mga pangalan ng ilang mga patay na sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay Pangulong Duterte, mahalagang malaman ng publiko kung paano sila nasangkot sa droga at kung ano ang naging epekto nito sa lipunan.

Nanindigan din ang pangulo na itutuloy nila ang pakikidigma sa mga taong nasa likod ng iligal na gamot kahit na nagbabanta ng Constitutional issue ang Supreme Court.

Ngunit makalipas ang ilang araw, bilang respeto ay humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa mga nasabi kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Duterte na hindi niya sinasadyang makapagbitiw ng “harsh words” dahil nadala lamang siya sa problemang kinahaharap ng bansa.

“I would apologize to the Chief Justice for the harsh words, which were never intended,” wika ni Duterte sa lungsod ng Davao.


“Because of the magnitude of the problem, it was my way of solving the problem within the ambit of my powers as president.”


7 comments:

  1. Hopefully, the chief justice got the message and fully understand PRRD. Otherwise it will be a disastrous to her position and the whole judiciary.

    ReplyDelete
  2. For once,I hope that CJ Sereno foget about patronage politics. She should think about the welfare of the country, and not be beholden to some people who are trying their damnest to bring down DU30, country first before the dark forces of foreigners who are trying to control the world.

    ReplyDelete
  3. (PAO) Chief Persida Rueda Acosta is the BEST CHOICE to REPLACE THEM !!! Yes them .. those who still support the Liberal Party (YELLOWTARDS) !!!

    ReplyDelete
  4. (PAO) Chief Persida Rueda Acosta is the BEST CHOICE to REPLACE THEM !!! Yes them .. those who still support the Liberal Party (YELLOWTARDS) !!!

    ReplyDelete
  5. DU30 is appointed by millions of Filipinos, sereno is appointed by lame president.

    ReplyDelete
  6. thanks my beloved president for your professionalism. I am proud of you

    ReplyDelete
  7. Si CJ Sereno ay appointed lang samantalang si PRRD ay inihalal ng million milliong Pilipino - HUGE DIFFERENCE

    ReplyDelete

Powered by Blogger.