Terorista at ilang opisyal ng dating administrayon, magkasabwat – Fr. Alforque, Jolo Mayor Hussin Amin



Ayon kay Fr. Benjamin Alforque, head ng Justice and Peace Commission ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), hindi malutas-lutas ang problema sa mga terorista sa bayan dahil umano kasabwat ang ilang opisyal ng dating pamahalaan at ng military sa krimen na ginagawa ng mga ito.

Base sa mga karanasan ng mga pari na naging bahagi ng mga nakalipas na negosasyon, partikular na magkasabwat ang mga ito sa ransom money ng mga kidnapped victims.
“Nalulungkot din, tingnan natin kung may galit ang mga tao ngayon, bakit ang Abu Sayyaf andiyan pa bakit hindi ma-solve solve ito, sa karanasan ng mga pari na tumulong sa mga negosasyon noon nakita nila na hindi lang ito Abu Sayyaf, kundi may sabwatan ito sa mga government officials, military officials especially sa paghahati ng ransom money, it makes the whole things complicated…” pahayag ni Fr. Alforque sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihayag ng pari na ang pagpatay ng ASG sa mga bihag nilang banyaga ay isang yugto lamang ng kanilang patuloy na kriminal na gawain at isang hakbang upang ipahiya ang bagong administrasyon sa pamumuno ni President Rodrigo Roa Duterte.

Sa kabilang pahayag naman ay inakusahan ni Jolo Mayor Hussin Amin ang ilan sa militar na umano’y kasabwat ng Abu Sayyaf at maging sa hatian ng ransom sa mga pinalayang bihag ay nakihati diumano.

Ito ang tahasang pag-amin ng pulitiko at sinabing ilan sa mga opisyal ay ginagamit ang mga miyembro ng Abu Sayyaf bilang ‘asset’ o spy sa lalawigan ng Sulu.

Nanawagan naman si Amin sa pamahalaan na imbestigahan ang mga tiwaling opisyal at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-conduct ng loyalty check sa hanay nito.

“Mga scalawags, eh dapat nga huwag na lang patago, kung meron, imbestigahan, oo na andoon na ang ransom, pero imbestigahan kung sino ba ito? Sino ba ang kumikita sa ransom? Hindi naman Abu Sayyaf.

Iyan ang mga grupo na sabi iisa lang, ngayon dumadami na dahil may mga andiyan, ay ginagawang asset doon, sinasabing hindi nila asset, alam naman ng military yan,” Pahayag ni Mayor.

Sinabi pa ni Amin, na dating judge sa Jolo, bago ito naging pulitiko, na posibleng kumukuha rin ng impormasyon sa militar ang Abu Sayyaf.




Source: ABS-CBN NEWSVeritas

1 comment:

  1. this is precisely why the death penalty is a MUST!!! not only terrorists, but their supporters as well, must be hanged!!!

    ReplyDelete

Powered by Blogger.