Umaalingasaw ang baho ng LP! P1.5 B halaga ng dengue vaccine, nakatengga sa cold storage



Halos 200 na ang namatay dahil sa dengue ngayong taon, ngunit nananatiling nakatengga sa cold storage ng gobyerno ang dengue vaccine na nagkakahalaga ng may P1.5 bilyong piso sa pamumuno ng dating president na si Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino III.
Ang kauna-unahang bakuna kontra dengue sa mundo ay ang ‘dengvaxia’ at nakaimbak lamang ito sa cold storage ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang mga nakatenggang bakuna ay may expiration date na Mayo at Agosto 2018 kaya kailangan nang maghanap ng gagamit nito para hindi ito masayang.

Ayon sa manufacturer ng naturang dengue vaccine, ito ay hindi gamut sa dengue ngunit pinapatibay nito ang resistensiya ng isang taong na-dengue.

Gumastos ang nakaraang administrasyon ng P3 bilyon para sa vaccine na dengvaxia ngunit hindi ito ginagamit.

Target mabakunahan ang isang milyong estudyante sa grade 4 na siyam na taong gulang pataas sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region, Region 3, at Region 4-A. Ito ang mga lugar na naitalang may pinakamataas na kaso ng dengue noong 2015.

Gayunpaman, wala pang 1 milyon ang mga batang naka-enroll, at nasa kalahating milyong magulang lamang ang pumayag sa bakuna, kaya lumalabas na sobra sobra ang biniling dengvaxia kumpara sa target na mga bata.

Ngayon ay nakatengga lang sa RITM ang mga di nagamit na bakuna na nagkakahalaga ng halos P1.5 bilyong piso.

Ayon kay dating presidente ng Philippine College of Physicians na si Dr. Tony Leachon, hindi dapat binibigay ang bakuna sa napakaraming bata dahil bagong produkto lamang ang dengvaxia, at maaaring umabot ng taon bago lumutang ang mga side effects at komplikasyon.

"That’s a huge amount of money para magkamali," ani Dr. Leachon

Dati na ring binatikos ni Health Secretary Paulyn Ubial ang timing ng pagkakabili at pagkakalunsad ng Dengue Vaccination program, dahil ginawa ito sa kasagsagan ng kampanya para sa 2016 presidential elections.

"We are looking at efficacy and cost effectiveness. There are several vaccines in the process of clinical trials, and will be available in the market by 2018. There is information they are more effective than the current one we are using," ani Sec. Ubial.

Ayon sa Dengue Vaccine Implementation Committee, ngayong buwan inaprubahan ni Ubial ang panukala ng komite na ialok ang mga nakaimbak na dengvaxia sa Quezon City, Maynila, Makati, at Caloocan para sa mga batang may edad siyam hanggang 14 na taon.

Nagpaalala naman si Dr. Leachon na hindi dapat isiping solusyon ang bakuna laban sa dengue at kailangan pa ring magtulungan ang mga opisyal at komunidad para linisin at alisin ang mga lamok na nagdadala ng dengue.



Source:  hatawtabloid

No comments

Powered by Blogger.