Bato napikon kay Gordon sa pagtawag ng ‘Bato-Gan’: pag sila magsalita, sila lang talaga ang magaling’



Napikon kahapon si PNP Chief P/Director Ge­neral Ronald “Bato” dela Rosa sa naging patutsada ni Senador Richard Gordon nang tawagin siyang “bato-gan” kaugnay ng umano’y kabiguang masugpo ang malalang kriminalidad partikular na ang mga kaso ng riding-in-tandem criminals sa Metro Manila.

Ayon kay Dela Rosa na kilala sa palayaw na “Bato” na patuloy na umiiskor ang PNP sa kam­panya sa riding-in-tandem na mga kriminal bukod pa sa magandang itinatakbo ng anti-drug campaign.
“Well ‘pag sila magsa­lita, sila lang talaga ang ma­galing, hindi kami ma­galing, mahinang klase kami. We are ready to accept that. Normal lang, tao lang tayo. Medyo napipikon tayo des­pite sa wala tayong tulog, despite sa pagsusumikap ng pulis natin na malinis ‘yung kalsada at maibalik ‘yung safety environment sa ating mga mamamayan, normal lang ‘yan dahil you cannot please everyone,” pahayag ni Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa na maraming naaarestong riding-in-tandem ang mga  pulis at hindi na niya kailangang ibida pa ito isa–isa tulad na lamang ng sa Sou­thern Police District (SPD) na may 49 accomplishments sa mga naarestong suspek at isa ang napatay sa shootout.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag bilang reaksyon sa patutsada ni Senador Ri­chard Gordon na “Bato-gan” si Dela Rosa dahilan sa bigo ang PNP na masawata ang problema sa mga kriminalidad na kagagawan ng riding-in-tandem.

“He can call me ‘Bato-gan’—okay lang sa akin ‘yun pero paki-remind siya na ‘yung batugan ‘pag nagalit, pwede pa maging bato-machine gun, o gusto mo, ‘Bato-Gatling gun,’” ayon pa kay Dela Rosa.

Sinabihan ni Sen. Gordon si Dela Rosa na batugan pagkatapos raw nab ago itong wakasan ang riding in tandem.


“Babaguhin ko na ang pangalan ni General Bato. Pagka-ganyan, lalagyan ko ng ‘gan,’ ‘Bato-gan.’ Dahil ang lumalabas eh ang daming namamatay. Wala silang [ginagawa],” 

No comments

Powered by Blogger.