Buwagin ang CHR! – Duterte



Nagbanta si Pangulong Duterte na bubuwagin nito ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa sobrang pakikialam sa drug war ng gobyerno at paglaban sa terorismo.
Sinabi ni pangulong Duterte na hindi niya papayagan ang mga sundalo at pulis na imbestigahan ng CHR bagkus ay dapat idaan muna ito sa kanyang opisina.

“And when the time comes, ‘yung CHR, ‘yung opisina dito, you are better abolished.

“I will not allow my men to go there to be investigated. Remember this. Human Rights Commission, you address your request through me because the Armed Forces is under me and the police is under me. Kaya pag kinuwestyon ninyo sila for investigation, dadaan muna sa akin,” giit ng Pangulo.

“Padaanin niyo sa akin lahat. Lahat. Maski sino. Pulis o imbestigahin niyo, padaanin niyo dito. You address it to the DILG, to me. Attention DILG. ‘Pag sinabi kong huwag kayo magpa-imbestiga, huwag kayong magpapaimbestiga,” dagdag pa ni Duterte.

Nais din ng CHR na imbestigahan ang sinasabing pag-abuso sa karapatang pantao ng mga sundalo at pulis sa Marawi City.

“Imbestigahin na muna ng Human Rights ‘yung ambush nung sa Presidential Security Group pati ‘yung pulis. ‘Pag wala kayong report niyan, huwag mo kaming [anong tawag diyan?] Huwag mo kaming guguluhin diyan sa… Itapon ko uli ‘yan sa mukha ninyo. Better do an equal job here,” dagdag pa ni Duterte.

Aniya, walang anu­mang pang-aabuso sa karapatang pantao na nagawa ang mga pulis at militar sa Marawi City sa pag-iral ng Martial Law.

Idinagdag pa ni Du­terte, hindi pa ligtas para bumalik ang mga residente sa Marawi City pero kung ipipilit ng CHR na pabalikin na ang mga Maranao sa kanilang mga bahay kahit mayroon pa ring banta ng terorismo pero dapat ang CHR ang managot sakaling may mamatay na residente sa kanilang gagawin at huwag isisi sa militar at gobyerno.

“And for the Ombudsman to refrain from citing them in contempt or what. Because I have the authority to give the final say whether they will attend or not. Takot-takutin nila ‘yang ano… So huwag ninyo akong pilitin na pati kayo, babanggain ko. Dumaan muna kayo sa akin. You wait until you get the clearance. If you don’t get the clearance, do not stay in the barracks. ‘Pag hulihin kayo, papiliin mo lang. Bazooka o M-16 diyan,” giit pa ng Pangulo.



Source:  Philstar

No comments

Powered by Blogger.