Duterte kay Ombudsman Morales: Rendahan mo ‘yang bunganga mo



Hindi ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging komento ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kaniyang pagbabanta na papatayin ang mga kriminal.

“Find me a law which would bar me from saying, ‘I will destroy you if you destroy my country,’ because if you can do that, I will step down tomorrow, ibigay mo lang sa akin,” Duterte said.

 “Rendahan mo ‘yang bunganga mo kasi may problema," dagdag niya.

Sa kaniyang panayam sa Japan news channel na NHK World, sinabi ni Morales na mali ang tila ginagawang paghihikayat ni Duterte sa publiko na pumatay.

Iginiit ng pangulo na tinutukoy niya ang pagpatay sa mga kriminal at hindi ng mga tao.

Dati nang sinabi ng gobyerno na hindi maituturing na tao ang mga kriminal kaya naman hindi matatawag na crime against humanity ang pagpatay sa kanila.

"Do not play God and shut up. Wala ka namang batas, ibigay mo sa akin," patuloy ni Duterte.

Samantala, binatikos din niya ang opisina ni Morales dahil sa katiwalian.

‘Ayusin mo yang Ombudsman mo, akala mo santo kayo diyan. Do not play God and shut up.”

Aniya ayaw na niya sanang sumagot pa sa mga naging komento ni Morales dahil balae niya ang kapatid ng Ombudsman ngunit hindi rin siya nakapagtimpi.

Binanggit din ni Duterte na hindi na niya basta-basta palalampasin ang mga pambabatikos sa kaniya.

“Ako, ordinary lang, 75. Pero alam ko ang batas ko, eh ikaw dumating ka pa ng Supreme Court, hindi mo pa alam iyan. Mahiya ka sa sarili mo,”



Source:  Politiko


No comments

Powered by Blogger.