Magsasaka, mangingisda, sari-sari stores, karinderya, tricycle drivers ililibre na sa tax



Ang pagbabayad ng buwis ay hindi natural sa mundo, bagkus ay artipisyal lang na gawa ng tao dahil sa pangangailangan.

Ang sabi ng mga ekonomista, kapag mas mataas daw ang buwis ay malamang na maunlad ang bansa.
Gaya ng mga bansang Amerika, Canada at Japan, pawang matataas ang sinisingil na buwis ng mga gobyerno sa bansang ito dahil marami rin silang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan nila.

Dito sa Pilipinas ay aabot sa halos 32% ang kabuuang buwis na binabayaran ng mga Pilipino. Kung tutuusin ay malapit na ito sa 40% na income tax sa Amerika ngunit malayo tayo sa yaman ng kanilang ekonomiya.

Kaya naman hindi natin masisi ang mga kababayan nating dumaraing sa tuwing matatanggap ang kanilang paycheck dahil masakit sa kalooban ang mabawasan ang perang iyong pinaghirapan at alam mong mapupunta lang sa mga kamay ng mga kurakot na politiko at opisyal ng gobyerno.

Upang maibsan kahit papaano ang pagdaraing sa buwis, nais ng Senado na isulong ang libre sa pagbabayad ng buwis ang mga maliliit na negosyo sa Pilipinas, gayundin ang mga marginal income earner. 

Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, malaking ginhawa para sa ordinaryong mamamayan na hindi na bubuwisan ang mga maliliit na negosyo.

Sa kasalukuyang tax regulations, ang marginal income earners ay ang mga indibidwal na may sariling pinagkakakitaan na ang gross sales ay hanggang P100,000 lamang.

Kabilang dito ang mga magsasaka at mangi­ngisda na direktang nagbebenta sa consumers, sari-sari stores, mga karinderya o turo-turo, drayber at operator ng isang unit ng tricycle.

Sa kasalukuyan, libre sa pagbabayad ng business taxes tulad ng VAT at percentage tax ang marginal income earners subalit nagbabayad parin sila ng income tax.

Ang malilit na negosyo naman na may P3 million assets pababa ay maaari ring hindi na pagbayarin ng income tax, alinsunod sa umiiral na Barangay Micro Business Enterprise law, subalit kailangan muna silang magparehistro sa tanggapan ng City Treasurer sa kani-kanilang lugar.



Source:  Philstar

No comments

Powered by Blogger.