Agot Isidro reacts to Jovie Espenido's special award: "Reward those who...never mind"



Hindi ikinatuwa ni Agot Isidro ang parangal na ibinigay ng Philippine National Police na "Outstanding Performance in Anti-illegal Drug Operations" award kay Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido dahil sa pamumuno nito sa madugong raid sa pamilya Parojinog sa Ozamiz City. 
Ikinadismaya ni Agot Isidro ang pagbibigay ng "Outstanding Performance in Anti-illegal Drug Operations" kay Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Ang parangal ay mula sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Sa tweet ng singer-actress nitong Lunes, August 7, tila hindi aprubado kay Agot ang parangal na iginawad kay Espenido.



Si Espenido ang namuno sa madugong raid sa mga bahay ng pamilya Parojinog noong Linggo ng madaling-araw, Hulyo 30.

Labing-anim na katao ang nasawi rito; kabilang si Mayor Reynaldo Parojinog Sr., ang asawa nitong si Susan, at mga kapatid na sina Octavio Jr. at Mona.

Makahulugang sabi ni Agot sa kanyang tweet, “Reward those who........ never mind.”

Kalakip sa kanyang post ang balita ng GMA News tungkol sa nakatakdang pagbibigay ng award kay Espenido.

Nakakulong ngayon sa Camp Crame ang mga anak ng napaslang na mayor na sina Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at Reynaldo ‘Dodo’ Parojinog Jr.

Samantala, naigawad na ni President Rodrigo Duterte ang award ni Espenido sa ika-116 anniversary ng PNP sa Camp Crame ngayong Miyerkules ng hapon, August 9.

6 comments:

  1. mga kapulisan at kawal kung maghihingi nang tulong si agot isidro sa inyo huwag po ninyong tulongan kc wala pala siyang tiwala sa ano mang kakayahan ninyo..pati pa ba ang award papasinin pa niya.?..

    ReplyDelete
    Replies
    1. NONSENSE COMMENT! to think that Agot pays her taxes to pay for the wages of the police and soldiers including the President and all the politicians and those working in the government. SHE HAS EVERY RIGHT TO SAY WHAT SHE WANTS JUST LIKE YOU.

      Delete
  2. Miss Agot-ot , don't judge kasi wala kang alam sa Osamiz. Mag tanong ka kay Senator Lacson kilalang kilala ang kuratong baleleng pa pina ngunahan nang mga Parojinog. Bteer keep your mouth shut woman.

    ReplyDelete
  3. BETTER KEEP YOUR MOUTH WOMAN. GUSTO MO LANG MAG PASIKAT BALIK KA SA MENTAL HOSPITAL>

    ReplyDelete
  4. TUMIRA KA SA OZAMIS O ANAK MO,OH SORRY WALA KA PALANG ANAK !!! TUNIRA KA PARA ALAM MO O BAKA ISA KA DIN

    ReplyDelete
  5. Kapag ang mga artista ba pinararangalan, pinakikialaman ba ng mga kapulisan?

    ReplyDelete

Powered by Blogger.