BREAKING NEWS! MAUTE GROUP LEADER na si Omar Maute napatay ng Militar sa Marawi.



Malaki ang posibilidad na nasawi na sa airstrike ng militar ang isa sa mga Maute brothers na si Omar.

Sa isang larawan mula sa militar, makikita ang isang lalake na wala nang buhay na niyayakap ng isa pang hindi nakikilalang lalake.
Ang naturang bangkay ay labi diumano ni Omar Maute. Narekober ang larawan ng Joint Task Force Marawi.

Natagpuan ang larawan mula sa isang cellphone na narekober ng military sa isang encounter site sa lungsod.

Gayunman, hindi pa makumpirma kung kailan nakunan ang naturang larawan.

Una nang binanggit ng militar na posibleng nasawi si Omar Maute sa kasagsagan ng pagbabagsak ng bomba sa lungsod ng Marawi noong nakaraang buwan.

Buhay pa naman aniya ang isa pa sa Maute brothers na si Abdullah, at nananatili pa rin ito sa Marawi. Siya rin anila ang nag-take over sa pamumuno sa grupo. 

Si Isnilon Hapilon, isa namang lider ng Abu Sayyaf na sinasabing itinalagang pinuno ng Islamic State sa Southeast Asia, ay nananatili pa rin sa Marawi City mula nang mag-umpisa ang bakbakan.

"Hapilon is still alive. But si Omar Maute, iyon. More or less, mukhang patay na talaga si Omar Maute. Abdullah is still alive. Still there.

Still inside Marawi," ani Año sa isang panayam Huwebes.

Nauna nang nag-alok ang pangulong Duterte ng P10-milyong pisong pabuya para sa pag-"neutralize" kay Hapilon, at tig-P5 milyon para kina Omar at Abdullah.



Source:  Radyo Inquirer

3 comments:

  1. Buti nga sa inyo ! Dapat mamatay na kayong lahat dito sa mundo ! 'yang Idiot logy ninyo ay puro maling paniniwala . Marami na kayong pinatay na mga enosenting tao dahil sa maling paniniwala nyo . Kayo ang mga satanas na dinala dito sa sanlibutan para mag hasik ng lagim . Mga gawaing masama ay hindi nagtatagumapay dahil mas maraming nananalangin sa dios na may kapal . Hindi patatahimikin ang kaluluwa nyo hanggang sa kabilang buhay maghahasik pa rin kayo ng lagim . You May Rest In Hell !!!

    ReplyDelete
  2. He can not even enter Hell. Bwahahahaha!

    ReplyDelete
  3. Naku,ang hanapin nyo ay kong saan at kong paano hindi maubos-ubos ang bala ng mga maute,bakit sa tagal ng labanan eh may supply pa rin sila ng bala at pagkain.hanapin ang tunnel,sigurado may pinag iimbakan sila.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.