Caught in the act! Tish Bautista gets videos of Andy's bagman bringing P1M to condo



Hawak ngayon ng kampo ni Patricia Bautista ang ilang kopya ng CCTV video na lalo umanong magdidiin sa kanyang asawa na si Comelec Chairman Andy Bautista.

Huli sa CCTV ang regular na pagpunta sa condo unit ni Bautista ng kanyang BFF, itago natin sa pangalang Bruce Wayne, na may dalang bag na naglalaman umano ng pera na hindi bababa sa P1 milyon.

Nang komprontahin ito ng kampo ni Trish, umamin itong regular na may bitbit na pera, pero sinabing, “hindi naman kita sa CCTV kung saan ko ito dadalhin.”

Lingid sa kaalaman ni Bruce Wayne a.k.a. Bagman, na tinukoy na siya ni Chairman Bautista sa kanyang asawa na madalas ngang magpunta sa naturang condo na may bitbit na pera.

Nauna na ring inamin ni Chairman Bautista sa kanyang maybahay na ang naturang unit ay lugar kung saan nagsisilbi sa kanya bilang relaxation place. Inamin din nito na may kaibigan siyang abogado na nagdadala doon ng mga babae.

Kinuwestyon na ni Trish si Chairman Bautista kung bakit mayroong tuwalyang color Blue at Green na nasa banyo. ‘Di na siya nagbigay ng detalye.

Binansagan naman ng kampo ni Trish na ‘sex den’ ni Chairman Bautista ang naturang yunit. Sa totoo lang, nang ­unang magtungo si Trish sa condo unit sa Pasig, ayon kay Atty. Lorna Kapunan, napagkamalan ng mga guwardiya si Trish na isang ‘call girl’.

Sa panayam ni Vicky Morales, pinabulaanan ni Chairman Bautista na mayroon siyang mga ‘sex den’.

“Go ahead. Siraan na nila ako nang siraan,” ayon kay Bautista.

Nang tanungin kung mapapatawad niya si Trish, emosyonal na sumagot si Chairman, “hindi pa ngayon.”



Source:  Abante

No comments

Powered by Blogger.