'Third eye', hindi 'third party': Misis ni Bautista isang psychic



Hindi "third party" kundi isang "third eye society" ang sinasamahan ni Patricia "Tish" Bautista, misis ni Comelec Chairman Andy Bautista, ayon sa kanyang legal adviser. 
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, may "third eye" ang kanyang kliyente at miyembro ng isang grupong ng mga taong may parehong abilidad. 

"She has a third eye. She can 'see,'" kuwento ni Kapunan sa panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, sa harap ng alegasyon ng korupsiyon ni Patricia sa kanyang mister.

Paliwanag ni Kapunan, magkasama sa grupo ng mga psychic si Patricia at ang lalaki na si Alvin Lim, dating live-in partner ng chef na si Margarita "Gaita" Fores.

"'Yung sinasabing ka-affair niya, which is not true, may third eye din. This was the live-in partner of Gaita, na chef, for 17 years. But they did not get married," ani Kapunan

"They have a third eye society, something like that, people who can [also 'see']. In fact she came here and said there are 3 ghosts floating around," dagdag pa ng abogada. 

Sa panayam sa ANC nitong Martes, sinabi ni Patricia na sila ni Lim ay "very good friends," at pareho rin silang "energy healers" bagama't hindi na niya pinaliwanag kung ano ito.

Nilinaw naman ni Kapunan sa Umagang Kay Ganda na walang ilegal na namamagitan kay Patricia at Lim at nagkakasama lang sila sa mga gawain ng grupo ng mga psychic. 

Samantala, isang ulat mula sa pambansang peryodikong The Philippine Star ang nagsasabing nagkaroon ng umano'y "psychic connection" si Tish at Lim

Ginamit umano ng dalawa ang abilidad ng kanilang third eye para pumasok sa isang business venture na ang layunin ay makatulong sa mga tao. 

Para kay Kapunan, kung moralidad lang din ang usapan, mas maraming dapat ipaliwanag si Comelec Chairman Bautista.

Nadiskubre umano nila na may mga website at email accounts si Bautista kung saan nakarehistro siya bilang batang lalaki at babaeng "sexy."

"In one website he is registered as a young boy. In another website he is registered as a woman, a sexy woman or something," aniya.

Nadiskubre din umano ni Patricia na may dalawang ari-arian ang kanyang mister na nagagamit diumano ng Comelec Chairman bilang "sex den." 

"He also has admitted that he uses one of them as a sex den. Certain lawyers provide him with women. Maybe in exchange for favors," ani Kapunan. 

Dagdag pa ng abogada, ang mga alegasyon ni Patricia ay labas na sa usapin ng relasyon at pumapasok na sa national interest kaya dapat lang na magpaliwanag si Bautista.

No comments

Powered by Blogger.