![]() |
Photo from PEP |
Kamakailan ay naging viral ang video
ng aktres na si Elizabeth Oropesa, kung saan naglabas ito ng sama ng loob OPM
icon na si Jim Paredes dahil sa pagtataboy nito sa mga kabataan sa EDSA ganoon
narin ang pagbabatikos ni Paredes kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine
Entertainment Portal) sa aktres sa premiere night ng pelikulang Bubog, ayon sa sakanya ay hindi niya umano
nagustuhan ang ginawa ni Jim Paredes, bagamat tagahanga siya nito.
Pahayag ng beteranang aktres, “Ako
kasi, marunong akong gumalang sa tao.
“Kanya-kanyang karapatan,
kanya-kanyang posisyon ang bawat tao.
“Ika nga, kung ang Presidente ko man
ay nagmumura, okay lang, kasi alaga niya ako.
“Kaysa naman sa president na di nga
nagmumura, wala namang natutulungan, wala namang nagagawa."
Patuloy ni Elizabeth, “Di ko lang
nagustuhan yung style ni Jim, kasi fan niya ako.
“Sa totoo, despite our differences,
kahit na siya ay di maka-Duterte, never ko siyang inisip na bastusin.
“Nung ginawa niya yun, nabastusan talaga
ako sa style niya, kasi inaalipusta nila yung Presidente ko na nagmumura daw.
“E, siya pala yung bastos.
“Kaya di ko natiis na di magsalita.
“Napanood ninyo naman ang video ko.
“Marahan ako saka di ko pa rin siya
binastos.
“Sinabi ko lang na, sa tingin ko,
bilang senior citizen na tulad ko, mali yun. Hindi dapat.
“Yung posisyon namin sa buhay na
pare-pareho kaming mga artista, na medyo mataas naman ang posisyon sa pelikula
and being an artist, hindi dapat umarte nang ganun."
Hindi pa raw sila nagkikita
pagkatapos ng isyu sa pagitan nila.
Pero aniya, “Nagkatotoo lahat ng
sinabi ko, ang daming nagbanta sa kanya. Ang dami talaga.
“Di ba, sabi ko, 'Mag-iingat ka, ang
daming gustong gumanti sa 'yo.'
“Ako, wala akong balak na gumanti sa
kanya.
“Hindi na kailangan, sapat na yung
mga sinabi ko."
Tila babala pa ni Elizabeth, “Hindi
ako naghahamon, pero huwag akong hahamunin, kasi di ako uurong.”
Source: PEP
“Hindi ako naghahamon, pero huwag akong hahamunin, kasi di ako uurong.” – Elizabeth to Jim
Reviewed by TrendStarNews
on
10:06 AM
Rating:

No comments: