Kiko on Duterte's drug war: "Tutulan ang masaker ng mahihirap"



In a Facebook post, Senator Francis "Kiko" Pangilinan has deplored the bloody drug raids in Bulacan and Manila.

The Senator stressed that the killing spree was not the solution to the country's drug problem.

Pangilinan said that it was unjust that poor drug suspects are being slaughtered while huge shabu shipment slipped past the Bureau of Customs.

"Hindi ito makatarungan. Hindi araw-araw na patayan ng mahihirap ang solusyon." Pangilinan said.

"Tutulan ang masaker ng mahihirap. Itrato bilang health issue at problema din ng kahirapan at hindi lang problema ng kapulisan ang drug addiction." Pangilinan added.

Read his full post below:

32 ang patay nung isang araw sa Bulacan. 25 ang pinatay kahapon sa Maynila. Hindi solusyon sa problema ng droga ang kaliwa't kanan na patayan ng mga maliliit at mahihirap habang tonetoneladang shabu ang pinapalusot sa BoC.

Hindi ito makatarungan. Hindi araw-araw na patayan ng mahihirap ang solusyon. Tutulan ang masaker ng mahihirap. Itrato bilang health issue at problema din ng kahirapan at hindi lang problema ng kapulisan ang drug addiction.

Ang ugat ng problema sa droga wala sa mga maliit at mahihirap na pinapatay araw-araw. Isa sa pinaka ugat ng problema sa droga ay doon nakita sa pagpuslit ng tonetoneladang shabu sa BoC ng mga sindikato ng droga kasabwat ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno.

Ang paghuli sa mga nasa likod nung sabwatan ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

Hindi makatarungan at mapang api sa mahihirap na kapag 2 o 3 sachet ng shabu (tinatanim pa yung iba) pinapatay tapos tonetonelada ng shabu sa BoC pinapalusot.




Kiko on Duterte's drug war: "Tutulan ang masaker ng mahihirap" Kiko on Duterte's drug war: "Tutulan ang masaker ng mahihirap" Reviewed by TrendStarNews on 1:04 PM Rating: 5

1 comment:

  1. Huwag tutulan ang masaker ng mga mayayaman. Tulad ni Kiko.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.