Pangulong Duterte - ‘Sige, maghimagsik kayo,’



Matapos magsagawa ng rally ang ilang grupo para iprotesta ang pagkamatay ng 17 taong gulang na si Kian Lloyd delos Santos sa kamay ng mga pulis na nagsagawa ng anti-drug operation sa Caloocan City kamakailan ay nagbigay umano ng basbas si Pangulong Rodrigo Duterte na hikayatin ang mga nais mag-aklas laban sa kanyang administrasyon na sumali sa pag-aaklas o himagsikan.

“Hinihimok ko kayong lumabas sa mga kalsada. Lahat. Sino ‘yung may gusto ng… Ano ‘yun? Himagsikan, sige. Himagsikan is uprising. Kung nais ninyong gawin iyan, sige. May bendisyon ko kayo. Walang makakaharang sa inyo sa mga kalsada,” sabi ni Duterte.

“Kung karahasan ang pipiliin niyo, sige. Malalaman natin. Kung himagsikan lang kaya… Pag-aalsa iyan. Kung gusto ninyo himagsikan, eh ‘di sige. Hinihikayat ko ang lahat ng mga Pilipino na gusto ng himagsikan na makilahok dito,” sabi ni Duterte.

Pero sinabi rin ni Du­terte na poprotektahan rin niya ang gobyerno pero kung makita niya na siya na lamang ang nagtatanggol sa gobyerno ay bababa siya sa puwesto.

“I will just have to protect. If I found… If I found… Or if I find or found out later that I am the only one defending the government, then I would be happy to go down. Walang problema ‘yan. Wala akong illusions diyan about staying for five years,” sabi ni Duterte.

Idinagdag pa niya na magpapadala siya ng mga sasakyan sa mga gustong sumama sa rally.

“Go ahead. Himagsikan. It is an uprising. I encourage you to do it. At lahat ng Pilipino na naniwala diyan sa kabila, then you participate in the rally. And I assure you, I will even send trucks there for your transportation. Mag-ano ako. Kung mag-request sila ng sasakyan. I will… Just tell me when, kasi ipa-parking ko diyan sa Luneta to --- para masakyan. Where do you want to go?” ani Duterte.

Matagal na rin aniyang hinihintay ni Duterte na magkaroon ng pagbabago at isang gumaganang gobyerno.




Source:   Philstar
Pangulong Duterte - ‘Sige, maghimagsik kayo,’ Pangulong Duterte - ‘Sige, maghimagsik kayo,’ Reviewed by TrendStarNews on 7:47 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.