Taguiwalo, ibinigay kay Duterte ang mga detalye na natuklasang anomaly sa DSWD



Ikinalungkot ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo ang hindi pa pagtawag sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kaniyang rejection sa Commission on Appointments (CA).

Ganunpaman sinabi nito na nagpadala na siya ng sulat sa pangulo at doon inilabas ang saloobin.

Ipinagiitan naman nito na lahat ng mga utos ng pangulo na pagsilbihan ang mamamayan ay kaniyang ginawa kung saan tiwala ito na papasa siya sa kumpirmasyon dahil sa competence, integrity at commitment.

Nilinaw nito na wala siyang sama ng loob sa pangulo sa hindi niya pagkakakumpirma sa posisyon.

Ilan sa mga lumutang na dahilan ng pagbasura sa appointment ni Taguiwalo na isang matagal nang aktibista at propesor ay ang pagkakasangkot nito sa Communist Party of the Philippines.

Itinanggi naman ni Taguiwalo na kasapi siya sa nasabing makakaliwang grupo o kalaban ng gobyerno.

Ikinalungkot naman ng Malacañang ang pagbasura ng CA sa appointment ni Taguiwalo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi maitatanggi ang paninilbihan ni Sec. Taguiwalo sa Duterte administration na may dedikasyon, propesyunalismo at integridad.

Sinabi naman Taguiwalo na tanggap nya ang kanyang sina kamay ng mga mambabatas basta’t ang importante ayon sa dating opisyal ay imbestigahan ng pangulo ang mga katiwaliang nagaganap sa loob ng kanyang dating pinamumunuang tanggapan.

Ayon sa dating kalihim, ibinigay na niya sa pangulo ang mga detalye ng kanyang natuklasang mga anomaly sa loob ng DSWD.

Sapat na rin umano para sa kanya ang inilabas ng Malacañang  na pahayag na nagbibigay ng pasasalamat sa kanyang panahon na ipinaglingkod bilang DSWD secretary.



Source:  Radyo Inquirer

Taguiwalo, ibinigay kay Duterte ang mga detalye na natuklasang anomaly sa DSWD Taguiwalo, ibinigay kay Duterte ang mga detalye na natuklasang anomaly sa DSWD Reviewed by TrendStarNews on 3:21 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.