Bagong testigo sa pagkamatay ni Carl Anaiz, Lumutang



Lumutang ang isang testigo sa kaso ng pagkamatay ng 21-year-old na si Carl Angelo Arnaiz.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kusang lumapit sakanya ang testigong binatilyo at ikwenento ang mga nalalaman nito.

Ayon sa panayam kay Sen. Lacson, inamin ng walk-in witness na nakita nito si Carl Arnaiz at ng kasamang di pa natukoy kung si Reynaldo de Guzman alias Kulot na isinakay sa mobile ng pulis.

Kwento nito, nagkatinginan pa sila habang hawak ito ng mga pulis na parang gustong humingi ng tulong sakanya.

Dahil sa paglutang ng isa pang testigo na ito, kampante naman si Lacson na malulutas at magkakaroon ng linaw sa imbestigasyon na ito.

Si Arnaiz ay nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan habang bakas rin sa labi nito ang torture base sa resulta ng awtopsya na isinagawa sa kaniyang bangkay.

Samantalang iginigiit naman ng PNP na nanlaban umano si Arnaiz  na nakipagbarilan sa dalawang pulis na nagresponde sa holdapan  na nagresulta sa kaniyang kamatayan.



Source:  Radyo Inquire
Bagong testigo sa pagkamatay ni Carl Anaiz, Lumutang Bagong testigo sa pagkamatay ni Carl Anaiz, Lumutang Reviewed by TrendStarNews on 9:59 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.