Gloc-9 sa war on drugs ni Duterte: "Bilang mamamayan, nararapat tayong sumunod sa Pangulo"



Si Gloc-9 ay kilalang rapper at kompositor ng kanta na karamihan ay naglalaman ng mga nangyayari sa bansa.
Ang batikang musikero ay nagsaad ng kanyang opinyon tungkol sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag niya, “Ako po ay mamamayan ng Pilipinas at tayo ay sumusunod sa ating Presidente ng Pilipinas.



“Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ikaw ay nararapat na sumunod sa iyong Pangulo.

“May pangyayari man at kanya-kanya tayong opinion, but at the end of the day, hindi po yung pagtatalo, pag-aaway or pagtuturo kung sino ang tama o mali.

“I think, yung pagsasama natin at paghahanap kung ano ang makabubuti para sa nakararami ang importante.”



Ayon sakanya, mahirap mang tanggapin ngunit naiintindihan daw niya kung bakit ang mga gumagamit ng droga, o consumers, ang target ng administrasyong Duterte.

Saad ni Gloc-9, “It’s sad kasi po ang talagang tatamaan ng ganitong approach ay ang mas maliliit.

“Pero for me, it makes sense that you deal with the consumers.

“Kasi kung walang consumer, walang producer.

“Kapag tinanggal mo ang producer, may papalit pa rin dahil alam nilang kikita sila dun.

“Kung walang pumupunta sa mall, walang magtatayo ng mall.”

“Not literally patayin, pero yung thought ba na makatakot ba,” paglilinaw ng rapper.




Source:  PEP
Gloc-9 sa war on drugs ni Duterte: "Bilang mamamayan, nararapat tayong sumunod sa Pangulo" Gloc-9 sa war on drugs ni Duterte: "Bilang mamamayan, nararapat tayong sumunod sa Pangulo" Reviewed by TrendStarNews on 5:58 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.